
Pormal na Pagbigay ng PhilHealth ang Capitation Fund na mahigit 100 milyong piso sa Lalawigan ng Quezon | September 02, 2024
Pormal ng ibinigay ng PhilHealth ang Capitation Fund na mahigit 100 milyong piso sa Lalawigan ng Quezon, at malugod itong tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Lunes September 2.
May kabuuang halagang 100,882,161.10 ang cheke na ibinigay ng Philhealth na layong makapaghatid ng tulong sa 15 ospital sa lalawigan ng Quezon. Hindi lamang tseke ang handog ng nasabing pamunuan, sapagkat nagbigay rin sila ng medical equipment gaya ng wheel chair, oxygen tank, thermometer at iba pang kagamitan na makakatulong sa ating mga kababayan na magpapalawak sa implementasyon sa Universal Health Care Act (UHC).
Binanggit din ni Governor Doktora Helen Tan sa naunang Capitation Fund noong Oktubre 23 na may 70 milyon pisong halaga ay malaki na ang naitulong nito sa ating lalawigan. Ngayong taon na mas pinalaki ang pondo ay mas mararamdaman na ng buong lalawigan gayundin ng mga Pilipino ang tulong ng UHC.
Quezon PIO