
Ika-110 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | August 21, 2024
Patuloy ang pagbalangkas ng lehislaturang Panlalawigan sa ginanap na Ika-110 Pangkaraniwang Pulong ng Sanggunian nitong araw ng Miyerkules, Agosto 21.
Inaprubahan sa sesyon ang mga ordinansang bayan, kautusan bayan, at resolusyong magpapabuti sa lungsod at munisipalidad na mapapakinabangan ng mga mamamayan gaya ng panlalawigang resolusyong pangkalusugan ukol sa pagpapatupad ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 sa Lalawigan ng Quezon.
Binigyang pahintulot naman ng Sangguniang Panlalawigan si Governor Doktota Helen Tan na pumasok sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH) at ni Dr. Mark Ian Jun Catan para sa fellowship training sa ilalim ng kanilang postgraduate program, gayundin ang paghintulot na tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ang P139,782,086.00 na donasyon mula sa Giga Ace 6 Inc. para sa 2.8 km farm to market road sa Brgy. Pandan, Real Quezon.
Inaprubahan din ng sanggunian ang pormal na pagtatatag ng Quezon Provincial Information and Communications Technology Office (PICTO) sa pamumuno ni Information Technology Officer II Leney C. Laygo para sa mas epektibong pagpapatakbo at pagsasaayos ng computer systems na mapakikinabangan ng pamahalaang panlalawigan.
Asahan ang tuloy-tuloy na pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan para sa mabilis na pag-unlad ng Lalawigan ng Quezon.
<hr>
<b><i class=”bi bi-c-circle”></i> Quezon PIO</b>