NEWS AND UPDATE

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘ ๐…๐Ž๐‘๐„๐‚๐€๐’๐“ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ: ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘ ๐…๐Ž๐‘๐„๐‚๐€๐’๐“ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ: ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ : ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐ญ๐จ๐๐š๐ฒ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐ญ๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ

๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ โ€“๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘: Kadalasan ay maulap na kalangitan na may kasamang kalat โ€“ kalat na pag-ulan pagkidlat sa bahagi ng lalawigan

๐–๐ˆ๐๐ƒ: Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan

๐‚๐Ž๐€๐’๐“๐€๐‹: Mahina hanggang sa katamtamang alon sa karagatan

๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘๐€๐“๐”๐‘๐„:24ยบC โ€“ 32ยบC

๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘: Kadalasan ay maulap na kalangitan na may kasamang kalat โ€“ kalat na pag-ulan pagkidlat sa bahagi ng lalawigan

๐–๐ˆ๐๐ƒ: Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan

๐‚๐Ž๐€๐’๐“๐€๐‹: Mahina hanggang sa katamtamag alon sa karagatan

๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘๐€๐“๐”๐‘๐„: 24ยบC โ€“ 29ยบC


Quezon PIO

Turnover of Office Ceremony | October 14, 2024

Turnover of Office Ceremony | October 14, 2024

a patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang Turnover of Office Ceremony nitong araw ng Lunes, Oktubre 14 sa Camp Guillermo Nakar Lucena City.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga opisyales ng kapulisan ng Lalawigan na nakatuwang sa pagsaksi sa pormal na pagpapasa ng pamunuan ni Outgoing Provincial Director PCOL Ledon D Monte kay Incoming Provincial Director PCOL Ruben B Lacuesta

Madamdaming nagbigay ng mensahe at pasasalamat ang dating Provincial Director PCOL Monte kasabay ng pagtanggap niya ng parangal bilang pagkilala sa kanyang matapat na serbisyo at dedikasyon sa Lalawigan, gayon din ang taos-pusong pagtanggap ng bagong Provincial Director PCOL Lacuesta sa tungkulin at responsibilidad niya bilang bagong liderato.

Sa pagtatapos, malugod na naghatid ng pasasalamat si Governor Doktora Helen Tan sa Outgoing at Incoming Provincial Director maging sa buong Kapulisan ng Lalawigan, aniya laging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang hindi matatawarang serbisyo upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mamayang Quezonians.


Quezon PIO

Congratulations PCOL Ruben B. Lacuesta!

Congratulations PCOL Ruben B. Lacuesta!

Mula sa Provincial Government of Quezon, malugod na pagtanggap at pagbati sa iyo bilang bagong itinalagang Provincial Director, PCOL RUBEN B LACUESTA!

Nawaโ€™y ang iyong karanasan at dedikasyon sa serbisyo ay maging inspirasyon sa mga kapulisan at mamamayang Quezonians.


Quezon PIO

National ADHD Awareness Week

National ADHD Awareness Week

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng 21st National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD) Awareness Week mula Oktubre 14-20, 2024.

Itoโ€™y alinsunod sa Proclamation No. 472 (2003) kung saan tuwing ikatlong linggo ng Oktubre ay ginugunita ito, at ngayong taon ay may temang โ€œThe Multiverse of ADHD: Embracing Strengths, Exploring Possibilities.โ€

Ang ADHD ay isa sa mga pinakakaraniwang neurodevelopmental disorder ng pagkabata at kadalasang tumatagal hanggang sa pagtanda. Ang mga bata o taong may AD/HD ay maaaring magkaroon ng problema sa pagbibigay pansin, pagkontrol sa mga mapusok na pag-uugali o kung hindi man ay kumilos ng hindi iniisip kung ano ang magiging resulta at kadalasan din silaโ€™y sobrang aktibo.

Nawaโ€™y ating bigyan ng malalim na pag-una ang bawat indibidwal na diagnose sa nasabing mental na sakit.


Quezon PIO

Oathtaking Ceremony | October 14, 2024

Oathtaking Ceremony | October 14, 2024

Isang pagbati kay Dr. Agnes S. Balicuatro sa kanya pagkakatalaga bilang Medical Officer III ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) โ€“ Alabat.

Pinangunahan naman ni Governor Doktora Helen Tan ang ginanap na Oathtaking Ceremony ngayong araw, Oktubre 14.


Quezon PIO

Ika-118 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | October 14, 2024

Ika-118 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | October 14, 2024

Sa patuloy na pagnanais ng Sangguniang Panlalawigan na lalong mapabuti ang mga mamamayang Quezonian, pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala ang ika-118 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Oktubre 14 via zoom conference.

Kasama ang mga board member at ilang pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing session ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, at iba pang liham. Naglahad din ang mga board member ng kani-kanilang report alinsunod sa mas lalo pang pagpapa-unlad ng Lalawigan ng Quezon.

Kasama ring ipinakilala at inaprobahan ang bagong Provincial Accountant na si Mary Grace Gordula na makatutulong sa pinansyal na aspeto ng mga departamento sa Kapitolyo.


Quezon PIO

2nd Governor Angelina โ€œDoktora Helenโ€ D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024 | October 12-13, 2024

2nd Governor Angelina โ€œDoktora Helenโ€ D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024 | October 12-13, 2024

Isang programa ang inilunsad ng Provincial Sports Office sa ilalim ng pamumuno ni Coach Aris A. Mercene, ang 2nd Governor Angelina โ€œDoktora Helenโ€ D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024, na ginanap nitong Sabado at Linggo, Oktubre 12-13, 2024, sa Balagatas Sports Complex, Atimonan, Quezon.

Mula sa tournament na ito, pumili ng mga manlalaro mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng lalawigan na magiging kinatawan ng Quezon Province sa Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2024 na gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan sa darating na Nobyembre 24-28, 2024.

Sa hangarin na magkaroon ng makapangyarihang mamamayan ay patuloy ang suporta ng ating Gobernadora sa mga batang Quezonian sa larangan ng sports.


Quezon PIO

Special Program for Employment of Student | October 14, 2024

Special Program for Employment of Student | October 14, 2024

Matagumpay na naipagkaloob na sa isang daang (100) benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES), ang 60% ng kanilang sahod na nagmula sa budget ng Provincial Government of Quezon, matapos isagawa ang maikling programa para sa SPES payout nitong araw Lunes, Oktubre 14 na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Iginawad nina Gov. Doktora Helen Tan, Assistant Department Head ng Quezon Provincial PESO/ Acting PESO Manager na si Ms. Genecille P. Aguirre at ng Provincial Assessor (at dating Acting PESO Manager), Atty. Melojean M. Puache, ang pagkilala sa mga kabataang mag-aaral na naging benepisyaryo ng programa. Kasabay nito ay ipinagkaloob din ang sertipiko ng pagpapahalaga sa dalawampuโ€™t tatlong (23) tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na naging katuwang sa pagpapatupad ng programa.

Sa pangkalahatan ay naging matagumpay ang naging paglulunsad ng SPES sapagkat naging daan ito upang makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga napiling benepisyaryo. Gayundin, naging isang makabuluhang instrumento ito upang patuloy na mahubog ang kasanayan ng bawat kabataang Quezonian, sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa ating mga kalalawigan.


Quezon PIO