NEWS AND UPDATE

Pabatid: Lagnas Bridge 1 is Now Open | April 10, 2025

Pabatid: Lagnas Bridge 1 is Now Open | April 10, 2025

PABATID:
Pinahihintulutan nang makadaan ang lahat ng uri ng sasakyan sa LAGNAS BRIDGE 1 sa Brgy. Sampaloc 2, Sariaya Quezon simula bukas Abril 11, 2025 12: 01 AM, ito ay ayon impormasyong mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon 2nd District Engineering Office.
Samantala, mananatili namang bukas at maaari pa ring daanan ang mga sumusunod na alternate routes and detours:
• Quezon Eco Tourism Road – San Juan Candelaria JCT
Candelaria – Bolboc Road – Candelaria by-pass road
•San Juan Candelaria – JCT Candelaria – Bolboc Road – Quezon Eco Tourism Road
• Lutucan Guis-Guis Port Road – Quezon Eco Tourism Road.

#RoadAdvisory
#LagnasBridge1isnowOpen
#QuezonProvince


Quezon PIO

Anti-Rabies Vaccination in Alabat, Perez, and Quezon, Quezon | April 10, 2025

Anti-Rabies Vaccination in Alabat, Perez, and Quezon, Quezon | April 10, 2025

Upang patuloy na mapanatili na Rabies-Free municipalities ang mga bayan ng Alabat, Perez, at Quezon, ay isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang regular na pagbabakuna laban sa rabies sa mga nasabing bayan, mula Marso 24 hanggang Abril 2, 2025.
Sa kabuuan, umabot sa 1,998 na kliyente ang nabigyan ng serbisyo, 3,423 na mga alagang hayop ang nabakunahan na binubuo ng 2,475 na aso, 947 na pusa at 1 na unggoy.
Kinatawanan ito ng mga technical personnel ng OPV katuwang ang Offices of the Municipal Agriculturist ng Alabat, Perez at Quezon, Quezon sa pangunguna nina MA – Gerard Franklin R. Belazon, MA Marie Ann C. Montañez at MA Mary Rose O. Panol.
Layunin ng aktibidad na ito na patuloy na maprotektahan ang kalusugan ng mga alagang hayop gayun din ng mga mamamayan laban sa sakit na rabies. Patuloy na hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga ganitong uri ng programa upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat komunidad laban sa rabies.

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Seminar on Product Laveling and Packaging | April 10, 2025

Seminar on Product Laveling and Packaging | April 10, 2025

Pagsasanay patungkol sa Product Labeling at Packaging, Isinagawa sa Pagbilao, Quezon
Isinagawa nitong Abril 8, 2025 ang “Seminar on Product Labeling and Packaging: Guidelines and Requirements on Product Labeling and Hands-on Demonstration on Different Tools and Machineries” sa OPA Conference Hall, Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa Grade 12 – TVL (Technical-Vocational-Livelihood) at ABM (Accountancy , Business, and Management) Strand ng Talipan National High School. Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga kabataan sa wastong paglalabel at packaging ng mga produkto, na mahalagang aspeto sa pagnenegosyo at pagpapalago ng kabuhayan.
Kasamang tinalakay ang mga alituntunin sa tamang labeling ng produkto, tamang branding, gayundin ang aktwal na demonstrasyon ng paggamit ng iba’t ibang makinarya at kasangkapan kaugnay ng packaging. Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kasanayan at kaalaman ng mga kabataan sa larangan ng pagnenegosyo, teknikal at bokasyonal na edukasyon.

#OPAQuezon
#opaquezonfitscenter
#agribasedproductdevelopment
#QuezonProvince


Quezon PIO / OPA

Veterinary Medical Mission with Spay & Neuter | April 10, 2025

Veterinary Medical Mission with Spay & Neuter | April 10, 2025

Kasabay ng pagdiriwang ng Hambujan Festival sa Dolores, Quezon gayundin ng Araw ng Kagitingan sa buong bansa, ay ngsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian nitong Abril 9, 2025, ng isang veterinary medical mission na pinamunuan ni Dr. Flomella Caguicla, Dr. Milcah Valente, Dr. Philip Augustus Maristela, Dr. Camille Calaycay at ng mga technical personnel ng tanggapan. Ang nasabing aktibidad ay naisagawa sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) ng Dolores na pinangungunahan ni G. Eldrin Rubrico.
Nagkaroon muna ng isang Unity Pet Walk ang mga dumalong fur babies, pagkaraan ay ang paggagawad ng LGU Dolores ng mga premyo at sertipiko para sa mga nanalo sa kamakailang photo liking contest ng OMA.
Ang mga serbisyong ipinagkaloob naman ay ang pagkakapon, antirabies vaccination, pagpupurga, pamimigay ng mga vitamins at konsultasyon para sa mga alagang aso’t pusa ng mga Doloresins.
Total # of clients served: 117
• Male: 43
• Female: 74
Anti-Rabies Vaccination: 38
• Dog: 30
• Cat: 8
Spay and Neuter: 26
• Dog: 12
• Cat: 14
Free Consultation and Provision of Veterinary Medicines: 113
• Dog: 43
• Cat: 74

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Refresher Course on National Immunization Program and Codo Chain Management | April 10, 2025

Refresher Course on National Immunization Program and Codo Chain Management | April 10, 2025

Ang mga kawani ng Quezon Provincial Health Office kasama ang Provincial Department of Health Office ay patuloy na nagbabahagi ng mga ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsasanay at pagtalakay tungkol sa National Immunization Program at Cold Chain Management na isinagawa noong ika-1 hanggang ika- 4 ng Abril, 2025, sa Municipal Function Hall Buenavista, Quezon. Layunin ng nasabing aktibidad na bigyan ang mga manggagawang pangkalusugan ng kaalaman at kasanayan tungkol sa National Immunization Program (NIP), Cold Chain Management at maging ang mga hamon sa pagbabakuna at mga sakit na maiiwasan sa bakuna o Vaccine Preventable Diseases.

#QuezonProvince


Quezon PIO

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan | April 9, 2025

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan | April 9, 2025

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan

Ipinagdiriwang ang ika-walumput tatlong anibersaryo ng “Araw ng Kagitingan” na may temang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas” ngayong araw ng Abril 09, kung saan ginugunita ang katapangan ng mga bayaning Pilipino noong ikalawang digmaang pandaigdig.

‎Matapos isuko ni Major General Edward King Jr. ang mahigit kumulang 76,000 sundalo sa hukbong hapones noong ika-9 ng Abril taong 1942 ang mga ito ay sapilitang pinagmartsa na umabot sa 150 km. Matapos ang mga pagmamalupit na ito tinatayang libo-libong sundalo ang nasawi at tinawag itong “Death March.”

‎Ang kasaysayang ito ay nagpamalas sa angking husay at tapang ng ating mga bayani upang ipagtanggol ang bansang Pilipinas laban sa mga Hapones.

‎Kaya mga kalalawigan, halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang kagitingan ng mga bayani na tila bituin at araw na kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

‎#83Anniversary
‎#DayOfValor2025
‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Tulong Medikal Hatid ng Pamahalaan, Nagbigay Pag-asa kay Alen Gonzales na May Sakit sa Puso | April 8, 2025

Tulong Medikal Hatid ng Pamahalaan, Nagbigay Pag-asa kay Alen Gonzales na May Sakit sa Puso | April 8, 2025

‎Isa si Alen Gonzales sa mga batang nakakaranas ng matinding karamdaman na sakit sa puso. Sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa programang Medical Mission na ginanap sa Polillo Group of Island, ngayon pa lang siya napatingnan sa doktor.

‎Dito ay agad siyang sinamahan sa Quezon Provincial Health Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC) upang malaman ang kalagayan at marapat na operasyon para sa kanyang sakit.

Ipinaabot naman ng kaniyang magulang na si Emmanuel Gonzales ang lubos na pasasalamat sa handog na serbisyong medikal para sa kanyang anak.

Link: https://www.facebook.com/share/r/1Eap4ZMf1s/

‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Digital Marketing & Content Creation Seminar for MSMEs | April 8, 2025

Digital Marketing & Content Creation Seminar for MSMEs | April 8, 2025

Isinagawa ngayong araw ng Martes, Abril 8 ang Digital Marketing and Content Creation Seminar sa Department of Information Communications and Technology (DICT) Quezon Province Office Conference Room sa Zaballero Subd. Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.
Layon ng nasabing programa na bigyan ng pagsasanay patungkol sa Social Media Marketing Tools at Graphics Design sa Canva ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa first batch ng STEP Up Entrepreneurship Program.
Dinaluhan ito ni Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco kung saan inihayag niya ang layon ng seminar na iangat pa ang antas ng kaalaman sa pagnenegosyo upang mas mapalago pa ito.
Samantala, ipinresenta dito ni DICT Provincial Officer Edd Fernan Gonzales ang patungkol sa Social Media Content Creation at mga paraan at kahalagahan ng pagkakaroon ng online platforms kung saan dito nila pwede itinda ang kanilang mga produkto. Gayundin, ay tinuruan rin sila kung paano makakagawa ng kanilang mga online shops sa Lazada, Shoppee, at TikTok shop.
Nagkaroon naman ng pagbabahagi ng mga ideya sa pagitan ng mga MSMEs upang solusyonan ang mga problema na maaring harapin sa iba’t ibang digital platforms.
Asahan ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapabuti ng paraan ng pagnenegosyo sa lalawigan ng Quezon.

#QuezonProvince
#DICTQuezon
#STEPUPprogram


Quezon PIO

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

📢 PABATID 📢
Pansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Abril 9, 2025, Miyerkules.
Para sa mga emergency cases, mangyaring dumiretso sa Emergency Room (ER).
Maraming salamat po!


Quezon PIO / QPHN-QMC

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Isinagawa ng mga kawani ng Tanggapang Panlalawigan ng Kalusugan, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mulanay at ang RHU sa pangunguna ni Dr. Elena O. Peña, ang Quezon Mobile PCF Caravan, kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Buntis Congress, noong ika- 3 hanggang 4 ng Abril, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga daan upang makapagbigay kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa buntis at sanggol na siyang pinangunahan ng Provincial Safe Motherhood Program Focal Person na si Maria Cristina A. Dayapan. Layunin ng Quezon Mobile PCF Caravan na mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang ating mga kalalawigan, lalo na ang mga kababaihan, sa lahat ng bayan sa ating probinsiya.
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kalalawigan na nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan:
Para sa mga buntis:
*Ultrasound – 57
*Laboratory – 42
*HIV Screening – 42
*Given OB Supplements – 55
Para sa ibang kababaihan:
*PSI Insertion – 31
*PSI Removal – 23
*Cervical Cancer Screening (VIAA) – 41
*Breast Examination – 42

#QuezonProvince


Quezon PIO