NEWS AND UPDATE

Quezon Crisis Hotline

Quezon Crisis Hotline

Magandang Araw Quezonians!

Ang Provincial Health Office (PHO) sa pamamagitan ng Health Navigation and Referral Unit (HNRU), katuwang ang Non-Communicable Diseases Unit (NCDU) ay bumuo ng Crisis Hotline Service sa ilalim ng Quezon Telemedicine Services.

Layunin nito na makapagbigay ng agarang tulong sa mga taong may mabigat na pinagdaraanan kabilang ang mga indibidwal na nasa panganib ng self-harm o suicide. Kasama din sa serbisyong ito ang paglikha ng isang ligtas at bukas na espasyo upang makapagpahayag ng kanilang nararamdaman.

Kaya halina’t sabay-sabay natin alamin ang Quezon Crisis Hotline.

Tandaan! Anuman ang iyong pinagdadaanan, bukas para sa iyo ang aming Crisis Hotline.


Quezon PHO

AV FISTULA CARAVAN | November 14-15, 2024

AV FISTULA CARAVAN | November 14-15, 2024

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, sinimulan ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 14, ang AV FISTULA CARAVAN sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Memorial Center (QPHN-QMC) na may tinatayang 80 pasyente hanggang bukas Nobyembre 15.

Sa kaalaman ng karamihan ang Arteriovenous Fistula o AV Fistula ay ang connection sa pagitan ng ARTERY (ugat na nagdadala ng dugong may oxygen) at VEIN (ugat na nagdadala ng dugong walang oxygen) sa pamamagitan ng surgery. Ito ay access sa dugong nililinis sa mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis.

Samantala, tinugunan naman ng mga doktor ang pagbibigay impormasyon sa mga pasyente ang mga dapat at hindi dapat gawin pagkatapos ng operasyon.

Labis naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at mga mamamayan sa mga doktor na nagbalikatan upang maisagawa ang nasabing caravan. Kasabay nito ang pagbibigay ng Certificate of Appreciation sa ating magigiting na doktor


Quezon PIO

MPBL South Division Champions

MPBL South Division Champions

Quezon Huskers, papunta na sa National Finals!

Panalo kontra Batangas City Tanduay Rum ang Quezon Huskers sa score na 65-60 na kung saan ay sila na ang bagong hari ng South Division ng MPBL.

Isasagawa ang unang laro ng MPBL Finals sa paparating na December 1 sa Dubai, UAE at makakaharap naman nila ang North Division Champion na Pampanga Giant Lanterns.

Sama-sama nating suportahan ang Quezon Huskers sa pagkamit nila ng kauna-unahang MPBL Championship para sa ating lalawigan.


Quezon PIO

Opening Ceremony ng PASARIPOY NATIONAL SURFING COMPETITION 2024 | November 14, 2024

Opening Ceremony ng PASARIPOY NATIONAL SURFING COMPETITION 2024 | November 14, 2024

SURF’S UP!🌊🏄

Sa pangangasiwa ng Local Government Unit (LGU) ng Real, Quezon at pakikipagbalikatan sa United Philippine Surfing Association (UPSA), gayundin sa Municipal Tourism Council of Real (MTCR) at Realeño Surfing Association (RSA), isinagawa ngayong araw ng Nobyembre 14 ang Opening Ceremony ng PASARIPOY NATIONAL SURFING COMPETITION 2024.

Ang nasabing kompetisyon ay ginanap sa Brgy. Lubayat na itinuturing na Barracuda Spot ng nasabing bayan na kilala bilang surfing capital ng lalawigan ng Quezon. Mahigit 100 surfing atletes ang lumahok sa kompetisyon na mga mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas gaya ng Siargao, La Union, Baler, at Camarines Norte.

Nahati naman sa anim na kategorya ang paligsahan:

1. Men’s Open Shortboard

2. Men’s Open Longboard

3. Women’s Open Shortboard

4. Women’s Open Longboard

5. Junior Boys

6. Junior Girls

Ayon sa LGU Real, nakatakdang magpapatuloy ang Pasaripoy 2024 hanggang Nobyembre 20, at nakadepende rin sa panahon at alon kung isasagawa ang tagisan ng mga atleta lalo’t may nagbabadyang bagyo sa lalawigan ng Quezon para na rin sa seguridad ng lahat.

Samantala, kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga ganitong aktibidad na nagpapakita ng kagalingan at dedikasyon ng mga surfing atletes hindi lamang sa Quezon kundi sa buong bansa.


Quezon PIO

TIP | TELEDENTISTRY

TIP | TELEDENTISTRY

Hello mga Quezonians!

Ikaw ba ay may kondisyong hindi emergency na gustong ipakonsulta sa dentista?

Ito ang aming TIP, Tamang Impormasyon Pangkalusugan tungkol sa isa sa mga serbisyo ng Provincial Health Office, ang Teledentistry mula kay Dr. GB Gabatin at Dra Jha Jaynar.

Halina at panoorin kung anong dapat alamin sa proseso kung paano makakaaccess sa ating Teledentistry Service.

Video: https://www.facebook.com/watch/?v=1071093734326308&rdid=euMAPB5zWx6cJNad


Quezon PHO

GINOONG NIYOGYUGAN HEALTH AND WELLNESS 2023 – Mr. Jonas Harina

GINOONG NIYOGYUGAN HEALTH AND WELLNESS 2023 – Mr. Jonas Harina

We are so proud of you for winning the title of Mr. Grand Philippines 2024 Culture, and for graciously representing the Quezon Province. Keep shining!


Quezon Tourism

Luzonwide Coconut Farmer Cooperatives Summit | November 13-14, 2024

Luzonwide Coconut Farmer Cooperatives Summit | November 13-14, 2024

Iba’t-ibang kinatawan mula sa bawat kooperatiba ng samahan ng mga magniniyog sa buong Luzon ang nagtipun-tipon nitong ika-13 hanggang ika-14 ng Nobyembre 2024 sa St. Jude Cooperative Hotel, Lucena City, Quezon bilang pakikiisa sa taunang 𝙇𝙪𝙯𝙤𝙣𝙬𝙞𝙙𝙚 𝘾𝙤𝙘𝙤𝙣𝙪𝙩 𝙁𝙖𝙧𝙢𝙚𝙧𝙨 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚𝙨 𝙎𝙪𝙢𝙢𝙞𝙩 kung saan napili ang Quezon na maging katuwang sa pamamalakad ng nasabing aktibidad sa buong rehiyon.

Isa sa mga layunin nito ang maipakilala ang mga coconut-based products na gawa ng mga kooperatiba at maiugnay sila sa ilan sa mga stakeholders at malakihang merkado na makikiisa sa trade fair. Magkakaroon din ng palitan ng kuru-kuro pagdating sa plenary sa pagitan ng mga ahensya at kalahok sa nasabing programa.

Kabilang naman sa mga nakiisa si Provincial Agriculturist Liza Mariano na nagpaabot ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga kooperatiba at magsasaka sa lalawigan at buong Luzon.

Dagdag pa rito ang mga ahensya na naging daan upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad gaya ng PCA, DTI at CDA na siya namang nanguna sa nasabing pagtitipon sa ilalim ng CFIDP.

𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰𝘴 𝘤𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘵𝘰: 𝘔𝘴. 𝘈𝘵𝘳𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘣𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘰𝘧 𝘔𝘪𝘬𝘢𝘴𝘵𝘳𝘢 𝘍𝘢𝘳𝘮, 𝘔𝘢𝘤𝘢𝘭𝘦𝘭𝘰𝘯, 𝘘𝘶𝘦𝘻𝘰𝘯


Quezon OPA

𝘒𝘢𝘥𝘪𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘱𝘪𝘵𝘰𝘭𝘺𝘰

𝘒𝘢𝘥𝘪𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘱𝘪𝘵𝘰𝘭𝘺𝘰

𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚!

✅ Abot-kayang presyo

✅ Kalidad na produkto

✅ Ligtas na pagkain at inumin

Kita-kits mga kadiwa! 🥬🥦🥕🍶🍫


Quezon OPA