NEWS AND UPDATE

Training on Animal Disease and Control for LGU Livestock Technician | September 25-27, 2024

Training on Animal Disease and Control for LGU Livestock Technician | September 25-27, 2024

Matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na pagsasanay sa Animal Disease Prevention and Control for LGU Livestock Technician na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian nitong Setyembre 25-27, 2024 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City na pinondohan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Nagpaabot nang mensahe ang ating Provincial Veterinarian na si Dr. Flomella Caguicla sa 27 kalahok na Livestock Technicians upang mabigyan sila ng kaalaman at kahalagahan na magsisilbing katuwang ng tanggapan sa pagkontrol ng nakakahawang sakit sa hayop sa kanilang bayan.

Tinaklay nina Dr. Philip Augustus Maristela at Dr. Camille Calaycay ang ilan sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa hayop. Nagsagawa rin sila ng hands-on demonstration katulad ng blood sample collection at necropsy procedure sa baboy, kambing, at manok.


Quezon PIO

Launching of Tankilik Products on Iskarapate | September 26, 2024

Launching of Tankilik Products on Iskarapate | September 26, 2024

It’s Official! Nasa ISKAPARATE na ang TARA NA SA QUEZON, TANKILIK PRODUCTS!

Sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na mabigyang oportunidad ang mga MSME o maliliit na negosyanteng Quezonian, opisyal nang inilunsad sa Iskaparate ang TANkilik Products na binubuo ng iba’t-ibang produktong gawa at mula sa lalawigan ng Quezon.

Ang ISKAPARATE ay isang digital selling platform na naglalayong palaguin ang hanapbuhay ng maliliit na negosyante sa pamamagitan ng digital technology o online marketplace na malaking tulong upang mas makilala pa ang kanilang mga produktong.

Kaugnay nito, magkasamang naimbitahan nitong Setyembre 26 bilang panauhin ng PRO Pinoy program ng DZME 1530 (Radyo Uno Manila) sina PLGU Quezon Project Development Officer III – Lawrence Joseph Velasco at Flavors of Quezon COO/Digital Marketing Specialist – Vincent Joseph Villasin kung saan sila’y nagkaroon ng panayam at pagkakataon upang maibida ang mga produktong ipinagmamalaki ng Quezon.

Bukod sa Radio Guesting na ito, nagkaroon din ng photoshoot ng mga dalang produkto mula sa Quezon sa tulong ng Iskaparate Team at pangunguna ng kanilang President and Chief Operation Officer – Josefina Natividad.

Napakalaking oportunidad naman para sa Quezonian MSMEs ang mga ganitong exposure sa nasyonal na plataporma at online marketplace sapagkat mabibili na ng mga konsyumer ang kanilang mga produkto kahit nasaan man silang parte ng Pilipinas.

Bisitahin na ang https://iskaparate.com/ at bumili ng mga produktong tunay na maipagmamalaki ng lalawigan ng Quezon.

Kaya ano pang hinihintay mo?

Mag-ISKA na PARATE!


Quezon PIO

Power Plant Observation | September 26, 2024

Power Plant Observation | September 26, 2024

Nagsagawa ng “Powerplant Visit” ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa Quezon Power Ltd. at San Buenaventura Power Ltd., sa bayan ng Mauban, ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Kasama ng nasabing tanggapan sa pamumuno ni PGENRO John Francis Luzano ang mga Solid Waste Management (SWM) Focal Persons ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan upang maipakita sa kanila ang SWM Practices na ginagawa ng nasabing planta gayun din upang aktwal na makita ang kanilang ginagawang compliance sa mga Air and Water Quality Management regulations ng DENR-EMB.

Tinalakay nina G. Chuckie Rivera, Community Relations Manager at Maricel Javier, Health, Safety and Environment Manager ang mga proseso at gawaing kanilang isinasagawa upang masunod ang mga umiiral na regulasyong pangkalikasan na sumasaklaw sa kanilang operasyon at matapos nito ay isinagawa ang aktwal na “plant visit.”


Quezon PIO

Orientation para sa Republic Act No. 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 | September 26, 2024

Orientation para sa Republic Act No. 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 | September 26, 2024

Isinagawa ngayong Setyembre 26 sa Cultural Arts Center (Old Kalilayan), Lucena City, ang orientation para sa Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020. Pinangunahan ito ni Ms. Sonia S. Leyson, Department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Dumalo rito ang tatlompu’t limang (35) empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama si Atty. Monique Allen V. Loria, Atty. III, mula sa Provincial Legal Office bilang tagapagsalita. Tinalakay dito ang layunin ng R.A. No. 11861 na palawakin ang saklaw at dagdagan ang mga benepisyo para sa mga solo na magulang at kanilang pamilya. Ipinaliwanag din ang mga kinakailangang hakbang upang makilala bilang solo parent, mga ipinagbabawal sa mga solo parent na nagtatrabaho sa gobyerno, at ang mga benepisyong maaari nilang matanggap.

Binigyang pansin din ang mga dahilan kung bakit nahihirapang mag-renew ang ibang solo parents at ang mga limitasyon sa edad ng anak para makakuha ng suporta.

Sa pagtatapos ng programa, itinatag ang Provincial Government of Quezon Solo Parents Association (PGQ-SPA) upang mas mapadali ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng Solo Parents Identification Card.

Sa layuning makapagbigay ng serbisyong para sa lahat, matagumpay na natapos ang orientation para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Quezon Public Employment Service Office & Rotary Club of Lucena Central Job Fair – October 04, 2024

Quezon Public Employment Service Office & Rotary Club of Lucena Central Job Fair – October 04, 2024

CALLING ALL JOBSEEKERS📣

Magsasagawa ang Provincial Government of Quezon- PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE katuwang ang ROTARY CLUB OF LUCENA CENTRAL ng JOB FAIR na gaganapin sa ika-4 ng Oktubre, 2024 (Biyernes) sa ganap na ika-10:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Ang nasabing programa ay idaraos sa Event Center, 3rd floor of SM City Lucena

Ang deadline ng Pre-Registration ay hanggang sa ika-2 ng Oktubre, 2024 lamang.

Maaaring i-scan ang QR CODE o i-click ang link sa ibaba para sa pagsisimula ng aplikasyon.


Quezon PIO

Provincial Cooperative Quiz Bee | September 25, 2024

Provincial Cooperative Quiz Bee | September 25, 2024

Bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Cooperative Month sa darating na Oktubre, isinagawa ang Provincial Cooperative Quiz Bee ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 25 sa Queen Margarette Downtown, Lucena City.

Ang mga mag-aaral na lumahok sa nasabing kompetisyon ay mga kinatawan ng bawat distrito na nagmula sa bayan ng Pagbilao, Dolores, Pitogo, at Gumaca na kung saan nasungkit ng ikalawang distrito ang una at ikalawang puwesto.

Nakamit ni Jasmine Danielle D. Escleto mula sa Talipan National High School ang pangalawang pwesto, unang pwesto naman ang nasungkit ni Angela Loraine L. Amon mula sa Our Lady of Sorrows Academy, at tinanghal namang kampeon si Jenna Patricia V. Alon na nagmula rin sa paaralang Our Lady of Sorrows Academy.

Maligayang pagbati sa ating Provincial Quiz Bee 2024 Participants and Winners!


Quezon PIO

Earthquake Information No.2 Date and Time: 25 September 2024 – 11:19 AM

Earthquake Information No.2 Date and Time: 25 September 2024 – 11:19 AM

Magnitude = 3.2

Depth = 002 km

Location = 14.90°N, 122.61°E – 037 km N 53° E of Jomalig (Quezon)

Instrumental Intensity:

Intensity I – Jose Panganiban, CAMARINES NORTE


Quezon PIO

Provincial Sports Office Unity Games 2024

Provincial Sports Office Unity Games 2024

Magandang Buhay! Pagbati mula sa Provincial Government of Quezon na pinamumunuan ng ating mahal na Gobernadora, Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan MD. MBAH. Isang programa ang inilunsad sa pamamagitan ng Provincial Sports Office ang 2nd Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan Provincial Government Employees UNITY GAMES 2024, upang magkaroon ng malusog na kaisipan at kalusugan kasabay ang Camaraderie at Pagkakaisa ang mga kawani ng ating Probinsya.

Nag-umpisa noong ikaw-8 ng Abril taong 2024 at nagtapos nitong Septyembre 2024. Ang mga palaro ay idinaos sa Quezon Convention Center.

Ito ang mga nagkampeon sa iba’t ibang larangan ng Sports mula sa ating UNITY GAMES 2024.

Link:

https://www.facebook.com/watch/?v=1174865333617340&rdid=gSWE4d8onm5u6KAI


Quezon Sports Office

Recognition of Active Surveillance on ASF | September 24, 2024

Recognition of Active Surveillance on ASF | September 24, 2024

Bumisita sa mga bayan ng Real, Infanta, at General Nakar ang ating Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla, upang kumustahin at makausap ang mga Municipal Agriculturists ng mga nasabing bayan patungkol sa kasalukuyang estado ng African Swine Fever sa lalawigan gayundin ang mga preventive measures na dapat ipatupad para maiwasan ang pagpasok ng naturang sakit sa kanilang nasasakupan araw ng Martes, Setyembre 24

Napag-usapan rin ang pagsasagawa ng mga aktibidades para sa Recognition of Active Surveillance on ASF (RAS-ASF) para makapaglabas ng mga baboy ang mga bayan ng Infanta at Gen. Nakar papunta sa National Capital Region at sa ibang pang lugar sa Luzon. Sa kasalukuyan ay Real pa lamang ang mayroon ng RAS-ASF.

Inihatid rin ni Dr. Caguicla ang mga disinfecting equipments at disinfectants, mula sa Provincial Government, para sa mga Farmers’ Associations and Cooperatives ng 3 bayan. Ang mga nakatanggap ay ang mga sumusunod na samahan, Sama-sama Pig Association (Real),Infanta Backyard Hog Raisers Association (Infanta), at Poblacion Anoling Pamplona Catabilingan Banglos (PAPCAB) Hog Raisers Association (General Nakar), upang magamit nila sa kanilang mga babuyan.


Quezon PIO

Sa HPV Vaccine Cervical Cancer Free ang Future Natin | September 24, 2024

Sa HPV Vaccine Cervical Cancer Free ang Future Natin | September 24, 2024

Prevention is Better than Cure!

Sinimulan ang Advancing Cervical Cancer Prevention and Province of Quezon School-Based Immuzation Kickoff sa Sampaloc Elementary School Main, Quezon Ave., Sampaloc, Quezon ngayong araw ng Martes, Setyembre 24.

Ang Human Papilloma Virus (HPV) ang pangunahing sanhi ng Cervical Cancer. Sa Pilipinas itinalang pang-apat na dahilan ng pagkamatay ng kababaihan at maging kalalakihan ay ang sakit na Cervical Cancer.

Sa pagtutulungan ng Quezon Provincial Health Office (QPHO) at School Division Office of Quezon, Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at iba pang ahensya ay isinusulong ang adbokasiyang iwasan ang sakit na Cervical Cancer sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng (HPV) Vaccine sa buong bansa.

Samantalang, sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Lalawigan ng Quezon mahigit 300 kabataang babae na may edad na 9 hanggang 14 na nag mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng Sampaloc Quezon ang nakatanggap ng libreng HP Vaccine ngayong araw. Dagdag ding serbisyo ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria para sa mamamayan ng nasabing bayan.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa mga kawani at ahensyang nagtulong-tulong at patuloy na magbabalikatan sa adhika na alisin ang Cervical Cancer sa Lalawigan ng Quezon upang makalikha ng malusog at mas maliwanag na hinaharap ang mga Quezonians.


Quezon PIO