NEWS AND UPDATE

First Institutional Agri-trade with Kita.ph, a rising institutional buyer in the agricultural sector  | April 14, 2025

First Institutional Agri-trade with Kita.ph, a rising institutional buyer in the agricultural sector | April 14, 2025

On April 13, 2025, a meaningful partnership blossomed in Barangay Mamala as the Mamala Uno Vegetable Farmers Cooperative (MUVFC) headed by their President Ms. Carina Relativo, successfully completed its first institutional agri-trade with Kita.ph, a rising institutional buyer in the agricultural sector. This milestone was made possible through the dedicated support of the Quezon Provincial Agriculture Office (OPA), particularly its Marketing Unit and Vegetable Production Unit. The transaction involved over two tons—or 2,095 kilograms—of freshly harvested, high-quality “Lucky Ball” cabbage, proudly grown by MUVFC farmers. This initiative marks a significant advancement in local agricultural development, as it connected grassroots producers directly with institutional markets, ensuring better income opportunities and a more stable demand for their produce.
More than just a business transaction, this partnership represents a win for everyone involved—farmers, buyers, and the broader local economy. It underscores the value of strong institutional linkages in empowering farmers and opening doors to wider markets. For the farming community in Mamala, this trade is not just a financial gain; it’s a beacon of hope and a step toward long-term growth and sustainability. The OPA Marketing Unit played a pivotal role in making this connection possible, proving that when the right support is in place, local agriculture can truly flourish. This initiative serves as a promising model for other farming communities in Quezon Province, highlighting the power of collaboration and the importance of building inclusive, resilient agricultural systems.
With continued support and more partnerships like this, the future of Quezon’s farming communities looks bright and full of opportunity.

#OPAQuezon
#OPAagrimarketing
#opaquezonfitscenter
#QuezonProvince


Quezon PIO / OPA

Retooling Skills of OPV Personnel on Rabies Eradication and Control Program | April 14, 2025

Retooling Skills of OPV Personnel on Rabies Eradication and Control Program | April 14, 2025

Matagumpay na isinagawa ang “Retooling Skills of OPV Personnel on Rabies Eradication and Control Program” para sa labinsiyam (19) na OPV personnel mula sa iba’t ibang dibisyon, na ginanap noong April 4, 2025 sa Office of the Provincial Veterinarian Conference Hall sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
Pinangunahan ito ng pambungad na pananalita ni Dr. Milcah I. Valente na siyang nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon hinggil sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act, gayundin sa Mass Vaccination Guidelines. Kasunod naman ang presentasyon ni Dr. Philip Maristela na tinalakay ang Republic Act 9482 o ang Anti-Rabies Act at ang wastong proseso ng decapitation para sa rabies sample collection. Si Dr. Camille Calaycay naman ay nagbigay-linaw tungkol sa sakit na rabies, kabilang ang mga umiiral na programa laban dito, tamang mekanismo ng pagbabakuna, at wastong paghawak at pag-iimbak ng mga bakuna. Bilang pagtatapos, nagbigay ng pangwakas na mensahe si Dr. Adelberto Ambrocio.
Ang ganitong uri ng pagsasanay ay nagpapakita ng kahalagahan ng patuloy na pagkatuto at pag-unlad ng kakayahan ng mga kawani. Isa itong hakbang sa pagbibigay-lakas sa mga miyembro ng organisasyon upang maging mas handa at epektibo sa kanilang mga tungkulin gamit ang mga makabago at napapanahong kaalaman.

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Libreng Operasyon, Handog ng Quezon Provincial Health Network | April 13, 2025

Libreng Operasyon, Handog ng Quezon Provincial Health Network | April 13, 2025

PANOORIN: Sa taunang Medical Mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon partikular sa Polillo Group of Islands marami na ang natulungang mamamayan dito.
Sa medical mission sa bayan ng Patnanungan, isang kalalawigan natin na ang kaniyang anak ay maooperahan na sa Quezon Provincial Health Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ng walang iniisip na bayarin dahil ito ay walang bayad.

Facebook Post: https://www.facebook.com/share/r/165QzQbvN2/

‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Kalalawigan Mula Dolores, Nagpahayag ng Pasasalamat sa Tulong Medikal ng Quezon | April 12, 2025

Kalalawigan Mula Dolores, Nagpahayag ng Pasasalamat sa Tulong Medikal ng Quezon | April 12, 2025

PANOORIN: Palaging narito ang Pamahalaang Panlalawigan upang tumugon sa mga pangangailang medikal ng bawat mamayang Quezonian.

‎Malaking pasasalamat ang ipinarating ng ating kalalawigan sa Dolores, Quezon dahil sa mga medical assistance na natatanggap niya upang tugunan ang kanyang sakit na Breast Cancer.

Facebook Post: https://www.facebook.com/share/r/17h8BMVDiA/

#QuezonProvince


Quezon PIO

Dolores, Naabot ng Serbisyong Medikal mula sa Kapitolyo | April 11, 2025

Dolores, Naabot ng Serbisyong Medikal mula sa Kapitolyo | April 11, 2025

‎PANOORIN: Hindi hadlang ang layo ng bayan at estado ng buhay sa pag-aabot ng tulong medikal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ating mga mamamayan.

‎Isang kalalawigan natin na nagmula sa bayan ng Dolores ang naabutan ng serbisyong medikal ng Kapitolyo, kaya naman lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga programang natamasa niya mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Facebook Post: https://www.facebook.com/share/r/16CGzZ3XR9/

‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Gabay ng Civil Service Commission para sa mga Kawani ng Gobyerno ngayong 2025 Halalan | April 11, 2025

Gabay ng Civil Service Commission para sa mga Kawani ng Gobyerno ngayong 2025 Halalan | April 11, 2025

PANOORIN: Sa pamamagitan ng Quezon Provincial Legal Office, narito ang mga dapat tandaan at paalala ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga KAWANIN NG PAMAHALAAN kaugnay sa 2025 Midterm Election.

Facebook Post: https://www.facebook.com/share/r/18tc5Ses8P/

#QuezonProvince


Quezon PIO / Legal Office / CSC

Earth Day Celebration: Environmental Storytelling | April 11, 2025

Earth Day Celebration: Environmental Storytelling | April 11, 2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day, pinangunahan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang pagsasagawa ng Environmental Storytelling ngayong araw ng Biyernes, Abril 11 sa Quezon Provincial Child Development Center.
Sa nasabing aktibidad, aktibong nakinig at nakilahok ang mga bata sa kwento na pinamagatang “Si Kapitantastic at Basura Monster” na akda ni Christine Bersola Babao. Nais iparating ng kwento na ito na lahat ay may responsibilidad sa kalikasan at mahalaga ang pagkakaroon ng malasakit at disiplina sa pagtatapon ng mga basura.
Sa huli, naging makabuluhan ang aktibidad at nag-iwan ng mahalagang mensaheng pagkalikasan sa bawat kabataan.
Samantala, patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaaang Panlalawigan sa mga programa na naglalayong mapabuti at higit na mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

#EnvironmentalStorytelling
#QuezonProvince


Quezon PIO / ENRO

Paglilinaw sa Isyu ng Alabat Wind Power Project | April 11, 2025

Paglilinaw sa Isyu ng Alabat Wind Power Project | April 11, 2025

PANOORIN: Paglilinaw patungkol sa mga kaganapan sa bayan ng Alabat, Quezon na may kaugnayan sa Alabat Wind Power Project
Courtesy: BRIDAGA News FM Lucena

Facebook Post link: https://www.facebook.com/share/r/1YGyi7UBpg/

#QuezonProvince


Quezon PIO

Pabatid QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic – April 11, 2025

Pabatid QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic – April 11, 2025

📢 PABATID 📢
Pansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Abril 17, Huwebes at Abril 18, Biyernes.
Para sa mga emergency cases, mangyaring dumiretso sa Emergency Room (ER).
Maraming salamat po!


QPHN-QMC

Paglilinaw sa mga Isyung Kaugnay ng Alabat Wind Power Project | April 10, 2025

Paglilinaw sa mga Isyung Kaugnay ng Alabat Wind Power Project | April 10, 2025

PANOORIN: Mga paglilinaw sa naging kaganapan sa bayan ng Alabat, Quezon kaugnay sa Alabat Wind Power Project
Courtesy: ABS-CBN “TV PATROL”

Facebook Post Link: https://www.facebook.com/share/r/1EtDoQ6QtD/

#QuezonProvince


Quezon PIO