Media Production Seminar for City & Municipal Information Officers of Quezon Province | September 18, 2024
Sa hangarin na maiparating ang mga impormasyon ukol sa mga handog na serbisyo, programa, at proyekto para sa ating mga kalalawigan, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga information officer sa bawat bayan at lungsod upang maisakatuparan ito.
Pinangunahan ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) sa pamumuno ni Mr. Jun Lubid ang isinagawang โMedia Production Seminar for City and Municipal Information Officers of Quezon Provinceโ sa Queen Margarette Hotel Downtown, Lucena City nitong September 18.
Layunin ng nasabing pagsasanay na malinang pa ang kaalaman at kasanayan ng mga information officers sa lalawigan upang mas maging epektibo at maasahan ang kanilang pamamaraan ng pagpapahayag ng mga impormasyong nararapat na malaman ng kanilang mga kababayang Quezonian.
Kasama ang mga panauhing mula sa Radio Television Malacaรฑang o RTVM, tinalakay nina PBS-RTVM Media Production Division Head โ Mr. Luis Enrico T. Eleazar, PBS-RTVM Enginering Division OIC โ Engr. Brando P. Aguilan, at PBS-RTVM Script Writer II โ Ms. Katrina Angela Abad ang best practices na isinasagawa sa kanilang tanggapan upang makatulong at magbigay gabay.
Samantala, nagpakita naman ng pagsuporta si Vice Governor Third Alcala sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan kung saan kanyang pinasalamatan ang bawat information officer dahil sa pamamagitan nila ay naipapakalat ang mga impormasyon sa bawat mamamayan ng Quezon.
Quezon PIO