NEWS AND UPDATE

Bumisita si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) Mauban | April 2, 2025

Bumisita si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) Mauban | April 2, 2025

Bumisita si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) Mauban nitong nakaraang Lunes, Marso 31. Ito ay upang kumustahin ang mga serbisyong pangkalusugan gayundin ang estado ng bagong pasilidad sa itinatayo sa nasabing ospital.
Samantala, binisita rin ni Governor Tan ang Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Medical Center (QPHN-QMC) nitong nakaraang Martes, Abril 1, upang tingnan ang kalagayan ng mga pasyente na dinala rito matapos ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission na isinagawa Polillo Group of Islands nitong nakaraang buwan ng Marso.
Ang mga pasyenteng ito ay kinailangan ng komprehensibong gamutan kung kaya’t agad na itinawid mula sa mga islang bayan ng Polillo Group of Islands patungo sa QPHN-QMC upang mabigyan ng sapat na serbisyong medikal.


Quezon PIO

World Autism Awareness Day | April 2, 2025

World Autism Awareness Day | April 2, 2025

“Autism is not a tragedy. Ignorance is a tragedy”
-Dr. Kerry Magro
Ang pagkakaroon ng kamalayan patungkol sa Autism Spectrum Disorder ay isang hakbang tungo sa mas malalim na pang-unawa at mataas na pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga tao na nasa ganitong kondisyon.
Ngayong araw ng Miyerkules, ika-2 ng Abril, ay ipinagdiriwang ang WORLD AUTISM AWARENESS DAY 2025 na may temang “Advancing Neurodiversity and the UN Sustainable Development Goals (SDGs)”.
Ang pagdiriwang na ito ay isang paalala na mahalaga ang pagtanggap sa pagkakaiba at pagsulong ng mga inklusibong pamamaraan at polisiya para sa bawat isa, ano man ang kondisyon o kalagayan nito.
Mga kalalawigan, sama-sama tayong magsulong ng isang komunidad na nagpapairal ng malawak na pagtanggap, pang-unawa, at pag suporta sa bawat isa sa kabila ng ating mga pagkakaiba.

#WorldAutismAwarenessDay2025


Quezon PIO

National Kick-Off Celebration – Filipino Food Month (FFM) | April 2, 2025

National Kick-Off Celebration – Filipino Food Month (FFM) | April 2, 2025

Markahan na ang inyong mga kalendaryo!
Sapagkat ang Lalawigan ng Quezon ay maghahanda nang katakam-takam na pagdiriwang ng Filipino Food Month 2025 sa darating na April 4, 2025 na gaganapin sa Perez Park, Lucena City.
Kaya’t makisalo na sa selebrasyon ng national kick-off, “Sarap ng Pagkaing Pilipino: Yaman ng ating Kasaysayan, Kultura at Pagkatao” muling ipatitikim ang mga Pamanang Lutuing Filipino, na di lamang bubusugin ka sa mga ihahaing pagkain kundi’ pati na rin sa makulay na tradisyon at kultura ng ating lalawigan.
Makikisaya rin sa atin ang mga local performers, kung saan ipamamalas muli nila ang kani-kanilang husay mula sa kaakit-akit nilang mga awitin, husay sa pagtugtog ng mga instrumento hanggang sa nakaka-indak na mga sayawin.
Atin ding tangkilikin ang isa pang kukumpleto sa ating selebrasyon, ang mga agri-farm vendors na kung saan ay maari tayong mamili ng ating mga ihahain para sa hapag kainang pagsasaluhan ng ating pamilya.

#FilipinoFoodMonth
#PamanangLutuinFilipino
#TAraNasaQuezon


Quezon PIO

SURGICAL CARAVAN: SCREENING AND ASSESSMENT | March 31, 2025

SURGICAL CARAVAN: SCREENING AND ASSESSMENT | March 31, 2025

Sinimulan na ang SCREENING AND ASSESSMENT para sa isasagawang SURGICAL CARAVAN sa darating na Abril at Mayo, ngayong araw ng Lunes Marso 31, sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Medical Center, Lucena City.

‎Tinatayang nasa 38 na pasyente mula sa ibat- ibang bahagi ng lalawigan ang sumailalim sa nasabing assessment para maapbrubahan ang kinakailangang operasyon para sa kani-kanilang sakit.

‎Samantala, bukas ang mga tanggapan gaya ng; Help Desk at Satellite Offices sa bawat bayan para sa mga walk-in patient sa susunod na screening at assessment, mangyari lamang na sumubaybay sa mga i-popost sa FB page para sa mga schedule.

#SURGICALCARAVAN

3-day Actual Waste Analysis and Characterization Study (WACS) | March 31, 2025

3-day Actual Waste Analysis and Characterization Study (WACS) | March 31, 2025

Matagumpay na natapos ang isinagawang 3-day Actual Waste Analysis and Characterization Study (WACS) sa munisipalidad ng San Narciso, Quezon na isinakatuparan sa tulong teknikal ng PGENRO-Environmental Management Division, sa tulong ng kanilang MENROfficer at pakikiisa ng mga household, non-Household & LGU WACS Team, noong Biyernes ika-28 hanggang kahapon (Linggo) ika-30 ng Marso.
Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi ang mga kaalaman at makapagbigay ng assistance patungkol sa Solid Waste Management (SWM) na ito ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga polisiya sa ilalim ng Republic Act 9003, na nagsusulong ng wastong paghihiwalay, pagreresiklo, at tamang disposisyon ng basura, matutugunan ang mga isyu ng polusyon at kalusugan.
Mahalaga ang papel ng bawat isa—mga lokal na pamahalaan, mamamayan, negosyo, at mga ahensya ng gobyerno—sa pagtutulungan upang makamit ang layunin ng isang malinis at ligtas na kapaligiran. Ang mga aktibidad tulad ng Waste Analysis and Characterization Study (WACS) ay nagbibigay daan upang mas epektibong maplano ang mga hakbang na makakatulong sa pagpapabuti ng waste management sa buong komunidad.

#WasteAnalysisCharacterizationStudy
#SolidWasteManagement
#SustainableQuezon
#PGENROQuezonInAction

SPES: Anunsyo !!! | March 31, 2025

SPES: Anunsyo !!! | March 31, 2025

Heto na ang pinakahihintay n’yong araw mga kabataan ng Quezon (Alabat, Dolores, Mauban, Perez, Quezon, Sampaloc, San Antonio at Tiaong)
Available na ang pangatlong listahan ng mga Shortlisted SPES Applicants na sasailalim sa Face-to-Face Interview!
Maaari na ninyong ma-access sa link na makikita sa imahe o larawan sa ibaba ng posting na ito.
Ang listahan ay naglalaman ng mga sumusunod:
Pangalan ng mga Aplikanteng pumasa sa initial screening
Pangalan ng mga Aplikanteng may kulang na dokumento (na kailangang isumite sa araw ng interbyu o panayam kasama ang iba pang kinakailangang dokumento)
Mga detalye ng Interbyu.
MAHALAGANG PAALALA: Ang pagkakasama sa listahan ay HINDI GARANTIYA na kabilang na bilang benepisyaryo ng programa. Ang lahat ng aplikante ay sasailalim pa rin sa interbyu at karagdagang beripikasyon.
Mga Kinakailangang Dokumento: (Kailangang magdala ng photocopy)
Original Signed Copy of SPES Application Form
Photocopy of Birth Certificate
Patunay ng Kita ng Magulang/Guardian (ITR, BIR Certification o
Barangay/DSWD Certification)
***Ang Certificate of Indigency ay para lamang po sa mga magulang na walang sapat na hanapbuhay.
Para sa mga Estudyante: Photocopy of Grades
Para sa Out-of-School-Youth (OSY): Sertipikasyon bilang OSY mula sa DSWD / Barangay
Photocopy ng anumang valid ID or School ID
Dalhin ang kumpletong requirements o kinakailangang mga dokumento sa araw ng iyong interbyu.
Salamat at inaasahan namin ang inyong pagdalo
Goodluck mga bes!


Quezon PIO / PESO

Ika-141 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | March 31, 2025

Ika-141 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | March 31, 2025

TINGNAN: Pormal na ginanap ang ika-141 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Marso 31.
Sa pangunguna ni Vice Governor at Presiding Officer Third Alcala kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa higit pang pagpapaunlad at pagpapatatag ng lalawigan ng Quezon.
Kaugnay nito, idineklarang wasto ang isinulong na resulosyon ni Board Member Isaias B. Ubana patungkol sa pagpapahintulot at pagpapatibay sa mga pamantayan ng patakaran sa kalidad ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, bilang patunay ng karapatan nito sa mga pamantayan ng sistema ng pamamahalang kalidad sa ilalim ng ISO 9001:2015, para sa kahusayan, transparensiya, at pananagutan.
Samantala, aprobado sa ikalawang pagbasa ang liham na humihiling ng pagpasa ng resolusyon na nagbibigay pahintulot sa Punong Lalawigan na makipagkasundo sa isang Memorandum of Cooperation sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), Department of Agriculture (DA), mga Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, at Camarines Norte, at mga State Universities and Colleges (Cagayan SU, Isabela SU, Aurora SCT, SLSU, at Camarines NSC) para sa pagtatatag ng Philippine Environmental Council for Sustainable Development (PRECSD).
Ang PRECSD ay isang makabuluhang hakbang patungo sa mas matibay, mas epektibo, at mas inklusibong pangangalaga sa kapaligiran at pagsulong ng likas-yamang pag-unlad sa lalawigan ng Quezon.

#141stPangkaraniwangPulong

RABIES AWARENESS MONTH (Veterinary Medical Mission) | March 31, 2025

RABIES AWARENESS MONTH (Veterinary Medical Mission) | March 31, 2025

RABIES AWARENESS MONTH (Veterinary Medical Mission) at Block 1, Perez Park, Lucena City
March 03, 10, 17. 24, 2025
Sa buong buwan ng Marso, na itinuturing na Rabies Awareness Month, ang Office of the Provincial Veterinarian – Quezon Province ay nagbigay ng libreng veterinary services kada Lunes sa Perez Park, Provincial Capitol Compounds.
Ang mga libreng serbisyong naibigay ay anti-rabies vaccination, pagpupurga, pagbibigay ng vitamins, konsultasyon at gamot para sa mga fur babies ng Quezonians.
Ito ang mga detalye ng nasabing aktibidad:
Total # of Clients Served: 661
● Male: 175
● Female: 486
Total # of Animals Vaccinated w/ ARV: 452
● Dog: 272
● Cat: 180
Free Consultation and Provision of Veterinary Medicines: 772 animals
● Dog: 530
● Cat: 242

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices


Quezon PIO / ProVet

Management Committee Meeting | March 31, 2025

Management Committee Meeting | March 31, 2025

TINGNAN: Isinagawa ngayong araw ng Lunes, ika-31 ng Marso, ang Management Committee Meeting sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga punong tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.
Natalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang estado ng mga programang ibinababa sa mga mamamayang Quezonian gaya ng serbisyong pangkalusugan at pang-imprastruktura. Gayundin, nabigyang pansin ang mga hakbang kung paano pa mas mapapabuti ang mga ito.
Samantala, patuloy na sisiguruhin ng Pamahalaaang Panlalawigan na naipa-aabot sa mga Quezonian ang kalinga at serbisyo na mula sa Kapitolyo.


Quezon PIO

International Day of Zero Waste 2025 | March 30, 2025

International Day of Zero Waste 2025 | March 30, 2025

“International Day of Zero Waste 2025: Towards Zero Waste in Fashion and Textiles” ♻️🌍
ALAM MO BA?
Ayon sa tala ng United Nations Environment Programme (UNEP), tinatayang nasa 92 MILYONG TONELADA ng basura mula sa tela ang nalilikha sa buong mundo kada taon. Ang mabilis na pagtaas ng produksyon at konsumpsyon nito ay nagdudulot ng malubhang isyung pang-kalikasan, pang-ekonomiya, at panlipunan.
Kaya’t sa pagdiriwang ng International Day of Zero Waste ngayong Linggo, Marso 30, binigyang-pansin ang mga basurang nagmumula sa “textiles and fashion” at ang agarang paglikha ng mga hakbang o aksyon upang mapigilan ang pangkalahatang epekto nito sa mundo.
Mga kalalawigan, halina at aktibong makiisa sa gawaing ito. Ang simpleng inisyatibo, gaya ng pagsunod sa 5’Rs (Refuse, Reduce, Reuse, Repurpose, Recycle), ay may malaking magagawa sa pagkontrol ng mabilis na pagdami ng mga basura.
Tandaan na ang pagsasakatuparan ng hangarin tungo sa “ZERO WASTE” ay magmumula sa kolektibong pagkilos at pagiging responsable ng bawat mamamayan.

#InternationalDayOfZeroWaste2025
#TowardsZeroWasteinFashionandTextiles
#ProvincialGovernmentofQuezon


Quezon PIO