
Pagbibigay ng mga kagamitang pang-agrikultura | January 31, 2025
Labis na kasiyahan ang bakas sa 76 na kinatawan ng iba’t-ibang samahan sa kanilang natanggap na mga kagamitang pang-agrikultura nitong ika-30 ng Enero, 2025 sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon, hatid ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor sa Quezon.
Personal na nakiisa rito sina Bise-Gobernador Third Alcala, Bokal Jj Aquivido at Panlalawigang Agrikultor Liza Mariano, kung saan malugod na nagbahagi ng ilan sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Helen Tan kabilang ang pagkakaroon ng Trading Post sa bayan ng Lopez para sa mas malapit at abot-kayang presyo ng mga bilihin pagdating sa ikatatlo at ika-apat na distrito, pagsasaayos ng data management system tungo sa mas mabilis at akmang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda. Dagdag pa rito ang patuloy na pagbabalangkas ng Quezon Agricultural & Fisheries Code, at lokalisasyon ng Sagip Saka Act of 2019 na pinangunahan ni Sen. Kiko Pangilinan, na magbibigay-gabay sa libu-libong kinatawan ng sektor ng agrikultura para sa mas ligtas, at sistematikong pagtugon at transaksyon sa pagitan ng mga local traders, sellers at stakeholders.
Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng organisasyon na kilala sa larangan ng pangisdaan, pangsakahan at agri-turismo. Ilan sa mga kagamitang ipinamahagi ay mga pataba, pananim, farm tools tulad ng kalaykay, pala, regadera, grasscutter, at knapsack sprayer, gayundin ang ilan sa mga solutions na makakatulong sa pagkakaroon ng magandang lupa gaya ng: agriculture lime, potash, duofos at wood vinegar. Isang set naman ng pangkabuhayan ang ipinamahagi sa mga grupo ng mga mangingisda sa Tayabas City at Pagbilao kabilang na dito ang grouper fish cage na makapaglalaan ng karagdagang pangkabuhayan sa bayan ng Plaridel at mga karatig bayan nito. Ilan din sa mga ipinamahaging kagamitan ay ang mga life vests, snorkeling gears, at display racks para sa patuloy na pagpapaigting ng mga serbisyong higit na makapagpapalawak sa sektor ng agri-turismo sa Quezon.
#OPAQuezon #opaquezonfitscenter #quezonagriculture
Quezon PIO