Step-Up Entrepreneurship Development Program Graduation | December 16 2024
CONGRATULATIONS, 2nd Batch of the STEP-UP Entrepreneurship Development Program! 
Kaugnay sa layunin na maiangat at mabigyang suporta ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan ng Quezon, malugod na nagsipagtapos ang ikalawang batch ng Step-Up Program sa isinagawang seremonya ngayong araw, Disyembre 17 sa Southern Quezon Convention Center, Gumaca.
Sa nasabing programa na pinangungunahan ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, sumailalim sa 15-Days Intensive training ang 50 MSMEs kasama ang 54 na mag-aaral na kumukuha ng business related courses sa Philippine Polytechnic University (PUP) Lopez Branch.
Masaya naman si Governor Doktora Helen Tan sapagkat malaking tulong ang ganitong programa para sa mga bagong henerasyon ng negosyante sa lalawigan ng Quezon.
Samantala, naipagkaloob sa mga MSMEs ang Collapsible Kiosk, Tents, at Heavy-Duty Chairs na magagamit nila sa kanilang negosyo.
Nakiisa rin sa ginanap na programa ang mga kawani mula sa Philippine Trade Training Center (PTTC), at Department of Trade and Industry (DTI) Quezon na palagi namang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay serbisyo sa mga maliliit na negosyanteng Quezonian.
Quezon PIO