NEWS AND UPDATE

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Islang Bayan ng Polillo | November 18, 2024

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Islang Bayan ng Polillo | November 18, 2024

Sunod na binisita ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 18 ang islang bayan ng Polillo na kabilang sa nasalanta ng BAGYONG PEPITO, kung saan namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng relief goods para sa mga mamamayan nito.


Quezon PIO

Coconut Expo 2024 | November 18, 2024

Coconut Expo 2024 | November 18, 2024

Tampok ang iba’t-bang produktong gawa mula sa niyog at mga pagsasanay na higit pang magpapaunlad sa sektor ng pagniniyugan, ay pormal ngang sinimulan ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre 2024, ang pagbubukas ng Coconut Expo sa Pacific Mall, Brgy. Iyam, Lungsod ng Lucena.

Makikita rito ang mga produktong tulad ng VCO, Lambanog, coco vinegar, coco sugar, buko pie at iba pang palamuti na gawa sa bao ng niyog. Ito ay bilang bahagi ng ika-8 Techno Gabay Program (TGP) Summit sa tema nitong: Kultura, Sining, at Agham tungo sa Makabagong Industriya ng Pagniniyugan.

Nagpaabot naman ng kanilang pagsuporta sina Dr. Rolando Maningas, Center Director Chief ng DA ATI RFO IV-A kasama ang mga kinatawan ng ilan sa mga partner agencies mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na si APA Alexander Garcia, SLSU University President Dr. Frederick Villa, PCA IV-A Regional Director III Bibiano C. Concibido, Jr., at DTI Quezon Provincial Director Julieta Tadiosa, CESO V.

Buong galak din na ibinahagi ng mga punong tagapagsalita ang pagkilala sa Quezon bilang lalawigan na may pinakamataas na produksyon ng niyog sa buong bansa kung kaya’t isa sa mga hangarin mula rito ay ang bumuo rin ng pangalan para sa lalawigan bilang sentro ng coconut researches and studies sa isa sa mga unibersidad nito, ang SLSU.

Kabilang ang mga paksang ukol sa Good Agricultural Practices (GAP) on Coconut at ang mga maaring simulang agribusiness sa pagniniyugan na ibinahagi nina Coco Deli Owner at Magsasakang Siyentista Rodel Sinapilo, Mikastra Integrated Farm Owner Astralet Marbella at DA Regional PhilGAP Assesor Pamela Perez.

Ang Coco Expo ay mananatili hanggang ika-19 ng Nobyembre sa Pacific Mall, Lucena City, kung saan ilan pa sa mga paksang tatalakayin ay ukol sa coconut value-adding, coco soap making, product development and enterprise, at coco byproducts.


Quezon OPA

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Islang bayan ng Jomalig | November 18, 2024

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Islang bayan ng Jomalig | November 18, 2024

Matapos ang paghagupit ng BAGYONG PEPITO, minabuti ni Governor Doktora Helen Tan na bisitahin ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 18 ang islang bayan ng Jomalig na isa sa hinagupit ng bagyo kung saan umabot sa Tropical Cyclone Wind Signal 5 dito.

Personal na inalam at kinumusta ng gobernadora ang kasalukuyang sitwasyon ng mga residente sa nasabing isla, at siniguro ring may Pamahalaang Panlalawigan na aagapay na maghahatid ng nararapat at sapat na tulong.


Quezon PIO

Pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa Bagyong #PepitoPH | November 17, 2024

Pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa Bagyong #PepitoPH | November 17, 2024

Puspusan at patuloy ang pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa Bagyong #PepitoPH ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 17.

Upang makapaghatid ng updates at mga paalala sa ating mga kababayan, personal na nagtungo sa Quezon Preparedness Operation Center (QPOC) ang ina ng lalawigan kasama sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Melchor Avenilla, Provincial Information Officer Jun Lubid, at QPPO Provincial Director PCOL Ruben Lacuesta.

Malugod na panawagan ng Gobernadora na huwag aalis sa mga Evacuation Centers at wala munang uuwi hanggang sa maging ligtas ang pagbalik sa kani-kaniyang tahanan.

Nakahanda at nakaantabay naman ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng PNP, AFP, BFP, Philippine Air Force, Philippine Maritime at Philippine Coast Guard na katuwang upang magsagawa ng Search and Rescue Operations para sa mga naapektuhan ng naturang bagyo.

Panawagan ng Gobernadora, “Let’s continue to pray, effective ang panalangin ng lahat”.


Quezon PIO

STAN Hotlines

STAN Hotlines

Sa oras ng pangangailangan, maaari ninyong tawagan ang mga Provincial Satellite Offices sa inyong mga bayan.


Quezon PIO

Storm Surge sa Virac, Catanduanes

Storm Surge sa Virac, Catanduanes

Ang biglaang paglakas at paglaki ng alon na dulot ng Bagyong #PepitoPH sa Virac, Catanduanes kaninang umaga, November 16, 2024

Ganito po ang halimbawa ng Storm Surge, kung kaya’t hinihikayat ang ating mga kalalawigan na nakaitira sa mga lugar na malapit sa karagatan na agarang lumikas para sainyong kaligtasan.

Video Courtesy : John Kim Belangel

Video: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/920335260054220


Quezon PIO

𝐓𝐑𝐎𝐏𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐘𝐂𝐋𝐎𝐍𝐄 𝐁𝐔𝐋𝐋𝐄𝐓𝐈𝐍 𝐍𝐑. 𝟐 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐫𝐞 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐦 #𝐏𝐞𝐩𝐢𝐭𝐨𝐏𝐇 (𝐌𝐀𝐍-𝐘𝐈) 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌, 𝟏𝟓 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟒

𝐓𝐑𝐎𝐏𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐘𝐂𝐋𝐎𝐍𝐄 𝐁𝐔𝐋𝐋𝐄𝐓𝐈𝐍 𝐍𝐑. 𝟐 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐫𝐞 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐦 #𝐏𝐞𝐩𝐢𝐭𝐨𝐏𝐇 (𝐌𝐀𝐍-𝐘𝐈) 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌, 𝟏𝟓 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟒

Lokasyon ng Sentro: 795 km Silangan ng Guiuan, Eastern Samar

Lakas: Pinakamalakas na tuloy-tuloy na hangin ay 110 km/h malapit sa gitna

Pagbugso: Hanggang 135 km/h

Paggalaw: Kumikilos patungong kanlurang(West) sa bilis na 25 km/h.

Inaasahan na posibleng mag-landfall si PEPITO sa silangang baybayin ng Central o Southern Luzon sa weekend.

Posible itong umabot sa Super Typhoon pagsapit ng Sabado (16 Nobyembre) ng gabi.

Magpapatuloy itong magdudulot ng masungit na kondisyon sa mga baybaying-dagat ng Southern Luzon at Central Luzon hanggang Linggo (17 Nobyembre), bago magka-second landfall sa mga bahaging iyon.

Maaari pang magbago ang eksaktong direksyon ng bagyo.

Mas mahalagang maghanda ang lahat dahil dapat tandaan na maglandfall man sa atin ang bagyo o hindi, malaki parin ang posibilidad na mararamdaman natin ang malalakas na hangin at buhos ng ulan maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Maghanda, Mag-ingat at maging Alerto ang lahat.


Quezon PIO