Quezon Sports Camp 2024 – Sampaloc, Quezon
Isa ka ba sa mga kabataang Quezonian na manlalaro ng anumang larangan sa isports?
Nagsimula noong May 3, 2024 ang QUEZON SPORTS CAMP 2024 na tumagal ng 3 araw sa bayan ng Sampaloc, Quezon. Layon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pamagitan ng Provincial Sports Office na pinamumunuan ni Coach Aris Mercene na makapagbigay dagdag kaalaman at upang muling mabalikan ang mga dapat tandaan sa paglalaro ng iyong piniling larangan ng isports.
Pwedeng-pwede makilahok ang mga kabataang may edad 9 hanggang 18, babae man o lalaki, basta’t may nag-aalab na puso at nais mas mapalawak ang kanilang kagalingan.
Narito ang mga laro na pwedeng lahukan.
Basketball
Taekwondo
Boxing
Chess
Badminton
Swimming
Athletics
Table Tennis
Tandaan lamang ang mga sumusunod na lugar at petsa kung saan gaganapin ang nasabing sports camp:
* April 22-29 (Polillo Group of Islands)????
* May 3-5 (Sampaloc, Quezon)????
* May 10-12 (San Antonio, Quezon)
* May 17-19 (San Francisco, Quezon)
* May 24-26 (San Andres, Quezon)
* June 7-9 (Plaridel, Quezon)
* June 10-14 (Mauban, Quezon)
* June 15 & 16 (Plaridel, Quezon)
Kita-kits!
Source: Quezon Sports Office