NOT PASSABLE TO ALL VEHICLE ANG LAGNAS BRIDGE SA SARIAYA QUEZON
Personal na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan upang alamin ang sitwasyon sa ipinasarang Lagnas Bridge sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya Quezon simula ngayong Linggo, Nobyembre 17.
Ito ay mula sa kautusan ng Sariaya LGU at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang nagpasara sa naturang tulay para sa kaligtasan ng mga motorista at biyahero.
Kaugnay nito, pinapayuhan naman ang lahat na may mga itinakdang alternatibong ruta at detour para sa mga sasakyang hindi pinahihintulutang dumaan sa tulay.
Narito ang rekomendasyon na daanan:
-Candelaria By-pass Road – San Juan-Candelaria JCT Candelaria – Bolboc Road – Quezon Eco-Tourism Road
Lutucan Guis-Guis Port Road – Quezon Eco-Tourism Road
Quezon PIO