Congratulations, Provincial Government of Quezon!
Congratulations, Lalawigan ng Quezon!
Kaugnay sa ika-72 Anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development Office, kinilala ng ahensya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa hindi matatawaran nitong paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan sa ginanap na “2022 PANATA KO SA BAYAN Awards” sa Tagaytay International Convention Center, Pebrero 8.
Tinanggap nina Provincial Administrator Manuel S. Butardo at PSWDO Head Sonia S. Leyson ang tatlong special awards ng lalawigan para sa mahusay na implementasyon ng Social Welfare and Development Laws kabilang ang Most Comprehensive Report, Good Practice, at Most Responsive PSWDO Award.
Tumanggap din ng parangal ang bayan ng Sampaloc bilang Model LGU para sa implementasyon ng Social Pension para sa Indigent Senior Citizens gayundin bayan ng Gumaca para naman sa kanilang Supplemental Feeding Program.
Ipinagkaloob din ng DSWD Central Office ang plake ng pagkilala sa Quezon PSWDO ang Good Practice Award dahil sa maayos nitong pagbabalangkas ng LGU Compliance Monitoring Report sa nagdaang Implementation of Social Welfare and Development (SWD) Laws Online Monitoring System for the 2nd Semester C.Y. 2021.
Asahang mas pagbubutihan at patuloy na maghahatid ang pamahalaan ng dekalidad na serbisyo at programa sa ating mga kalalawigan.