Declamation & Oration Contest – August 16, 2023
Isinagawa kahapon, Agosto 16 ang Niyogyugan Festival 2023 Declamation & Oration Contest na ginanap sa Agri-tourism Stage na matatagpuan sa harap ng Quezon Convention Center, Lucena City.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa DepEd Quezon ay naipamalas ng mga kabataan mula sa iba’t- ibang distrito ng Quezon ang kanilang angking galing sa larangan ng deklamasyon at talumpati.
Ang bawat piyesa ay tungkol sa buhay ni Manuel L. Quezon at mayroong tatlong kategorya. Deklamasyon para sa Elementary level, talumpati para sa highschool level, at talumpati para sa college level kung saan ay may limang minuto sila upang ihayag ang kanilang mga piyesa.
Sa mga ganitong patimpalak, hangad ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang DepEd Quezon na ang bawat mag aaral na may angking galing at potensyal sa mga larangan na ito ay mabibigyan ng sapat na pagkilala.
Congratulations sa mga nagwagi, mabuhay ang mga mag- aaral ng lalawigan ng Quezon.
#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023
Source: Quezon PIO