
HEAT INDEX FORECAST
Link: https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO
Link: https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO
Sa pagpapatuloy ng isinasagawang Libreng Serbisyong Gamutan na layong maabot ang bawat mamamayan ng lalawigan ng Quezon, sunod na tutungo ang Medical Team sa bayan ng Tagkawayan (April 27) at Guinayangan (April 28).
Bitbit pa rin ang iba’t-ibang serbisyong medikal gaya ng libreng check-up, bunot ng ngipin, minor surgery, tuli, anti-pneumonia vaccination, laboratory examinations, at iba pa ay inaanyayahan ang mga residente ng nasabing mga bayan na ‘wag palampasin ang pagkakataong makapagpatingin ng kalagayan ng kanilang kalusugan.
Link: https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PIO
Mga Kalalawigan, muling nagbabalik ang pinaka-prestihiyosong parangal para sa natatanging anak ng lalawigan ng Quezon, ang “QUEZON MEDALYA NG KARANGALAN.”
Ang QMK ay iginagawad sa mga natatanging indibidwal na nagpamalas ng angking galing at kontribusyon sa mga larangan ng Public Service, Health and Science, Humanities and Philanthropy, Agriculture, Environment, Education, Sports, at Culture, Music, and the Arts
Nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing parangal:
1. Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award – iginagawad sa Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging husay na kinikilala sa national at international field sa kanilang larangan dahil sa mahalagang kontribusyon nito.
2. Quezon Medalya ng Karangalan Special Achievement Award – iginagawad sa mga Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging kontribusyon na kinikilala sa local at provincial field ng kanilang larangan.
Kung ikaw ay may kakilalang kwalipikado na nais maparangalan, bukas ang nominasyon hanggang Mayo 31, 2024.
Para sa ibang katanungan at impormasyon, makipag-ugnayan sa Tourism Quezon Province
Source: Quezon PIO
Isa ka ba sa mga Quezonian na mahilig maglaro ng anumang larangan ng isports?
Halina’t makiisa sa gaganaping QUEZON SPORTS CAMP 2024 na layong magbigay dagdag kaalaman at upang muling mabalikan ang mga dapat tandaan sa paglalaro ng iyong piniling larangan ng isports.
Pwedeng-pwede makilahok ang mga kabataang may edad 9 hanggang 18, babae man o lalaki, basta’t may nag-aalab na puso at nais mas mapalawak ang kanilang kagalingan.
Para naman sa mga coaches at basketball officials, handog sa inyo ang konsultasyon upang lalo mapabuti at maiangat ang antas kaalaman ng mga manlalaro.
Tandaan lamang ang mga sumusunod na lugar at petsa kung saan gaganapin ang nasabing sports camp:
* April 22-29 (Polillo Group of Islands)
* May 3-4 (Sampaloc, Quezon)
* May 10-12 (San Antonio, Quezon)
* May 17-19 (San Francisco, Quezon)
* May 24-26 (San Andres, Quezon)
* June 7-9 (Plaridel, Quezon)
* June 10-14 (Mauban, Quezon)
* June 15 & 16 (Plaridel, Quezon)
Kita-kits!
Source: Quezon Sports Office
NGCP may implement Manual Load Dropping (MLD) in the following areas today, 19 April, to maintain the integrity of the power system:
LUZON
6:00PM – 7:00PM
INEC (parts of Ilocos Norte)
First Bay Power Corporation (parts of Batangas Province)
QUEZELCO I (parts of Quezon Province)
ALECO (parts of Albay)
PENELCO (parts of Bataan)
VISAYAS
6:00PM-7:00PM
CEBECO II (parts of Cebu)
CEBECO III (parts of Cebu)
MECO (parts of Mactan Island)
VECO (parts of Cebu City)
CENECO (parts of Negros Occidental)
NOCECO (parts of Negros Occidental)
NONECO (parts of Negros Occidental)
NORECO I (parts of Negros Oriental)
NORECO II (parts of Negros Oriental)
SOLECO (Southern Leyte)
LEYECO V (parts of Leyte)
LEYECO II (parts of Leyte)
SAMELCO II (parts of Samar)
ESAMELCO (Eastern Samar)
NORSAMELCO (Northern Samar)
MORE (parts of Iloilo City)
AKELCO (parts of Aklan)
ANTECO (parts of Antique)
CAPELCO (parts of Capiz)
ILECO II (parts of Iloilo Province)
ILECO III (parts of Iloilo Province)
GUIMELCO (parts of Guimaras)
Schedule may be cancelled if system condition improves, such as if actual demand falls below projections.
NGCP encourages everyone to exercise prudence in using electricity.
Source: Quezon PIO
Link: https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO
Pinarangalan at binigyang pagkilala ang mga bayan na Top Performers on the 2023 Cities and Municiplaities Competitive Index (CMCI) sa lalawigan sa ginanap na ika-92 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Vice Governor Third Alcala kahapon, Abril 15.
Patunay na binibigyan pagpapahalaga ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang pagsisikap ng bawat Local Government Unit upang patuloy na mapaunlad ang kanilang mga bayan.
Sa ibang usapin, patuloy ang pagdinig sa mga ordinansa at resolusyon mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na may kinalaman sa pagpapabuti ng kanilang mga nasasakupan.
Samantala, binigyang resolusyong pagkilala si Vlademeer Sanchez Sorezo sa kanyang pagkakapanalo ng gintong medalya sa Open 93kg Category, Master 1 93kg category, at Best Lifter sa Master 1 Category sa ginanap na 2024 National Equipped Benchpress Championship sa Lungsod ng Maynila.
Source: Quezon PIO
INGNAN: Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Vice Governor Third Alcala ang pagbisita kahapon, Abril 15 ng Lucena City Tennis Club (LCTC) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Malugod namang ipinaabot ng gobernadora ang kanyang pagsuporta sa nasabing pamunuan sa kanilang mga inihandang aktibidad para sa produktibong pakikiisa ng mga Quezonian sa larangan ng tennis.
Source: Quezon PIO
Quezonians, handa ka na ba para sa Game 4 Finals ng QUEZON TITANS laban sa Nueva Ecija Capitals na gaganapin bukas, April 16 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Upang ipakita ang suporta sa ating koponan, aming hinihikayat na magsuot ng ORANGE SHIRT para sa mas nag-aalab na puwersa ng pagsuporta sa pambato ng lalawigan.
Laban Titans!
Source: Quezon PIO