NEWS AND UPDATE

Photography and Digital Poster Making Contest | November 30, 2024

Photography and Digital Poster Making Contest | November 30, 2024

Due to popular demand, we are pleased to announce that the deadline for submission has been extended! You can still submit your entries for the Photography and Digital Poster Making Contest until November 30, 2024!

How to participate:

✔️Review the guidelines below.

✔️Submit your entries to dilgquezonpcit@gmail.com

✔️Include a valid ID and follow the file name format: Fullname-City/Municipality.

Together, let’s make a difference—one photo and poster at a time!

P.S. This contest is OPEN TO ALL 😊

Link: https://www.facebook.com/DILGQuezonProv/posts/pfbid02Pd5a9M4wkU7pKw6gNHLX1FrZeuvk5mna5aaEmkaEPdLpL2rnwx4F3pFpBqdaT4d3l?rdid=862vA4k4n3pueYjA


Quezon DILG

Mga Tuntunin at Regulasyon Para sa Paskong Quezonian Christmas Décor 2024!

Mga Tuntunin at Regulasyon Para sa Paskong Quezonian Christmas Décor 2024!

Mga Tuntunin at Regulasyon Para sa Paskong Quezonian Christmas Décor 2024!

1. Ang mga pa-ilaw sa Perez Park ay bukas araw-araw, mula ika-6 ng gabi hanggang ika-10 ng gabi.

2. Para sa kaligtasan ng bawat isa, kinakailangan ang mga bata na pupunta sa parke ay may mga kasamang magulang o tagapag-alaga.

3. Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng gawaing maaring makasira sa mga dekorasyon sa parke, higit sa lahat ang paghawak, pagpitas, o pagtapak sa mga ito.

4. Ang pagpasok sa Perez Park ay LIBRE at walang TICKET na kailangan.

5. Subalit para sa kaligtasan ng mga nagnais magpunta sa ikalawang palapag ng Giant Christmas Tree ay mangyaring kumuha ng ticket sa Paskong Quezonian Information Booth na matatagpuan malapit sa Tagayan Booth.

a. Dalawampu lamang ang pinamamayagang umakyat sa Giant Christmas Tree sa isang pagkakataon kabilang ang mga bata. (20 persons per batch including kids)

b. Dalawang minuto (2 Minutes) lamang pinamamayagang manatili ang bawat grupo sa taas ng Giant Christmas Tree.

c. Pamamayagang umakyat ang mga batang siyam na taong gulang pababa ngunit kinakailangan na may kasamang matanda bawat isang bawat. (ONE kid is to ONE adult Policy).

d. Ang ticket na kinuha ay maaari lamang gamitin sa araw na ibinigay ito.

e. May limitadong bilang lamang kada araw ang ticket na ipapamahagi sa mga nais umakyat sa Giant Christmas Tree.

6. Mangyaring sundin ang mga arrow para sa pag-ikot sa Block 2 (Butterfly Garden) upang maiwasang masira ang mga dekorasyon.

7. Ang paninigarilyo at paggamit ng “vape” ay hindi pinahihintulutan sa loob ng parke.

8. Hinihikayat ang lahat na itapon sa wastong tapunan o basurahan ang lahat ng basura. Ang sino mang lalabag dito ay papatawan ng karampatang parusa.

9. Hindi rin pinahihintulutan ang pagdadala ng mga pagkain at inumin sa loob ng parke. Maaring magtungo ang mga bisita sa food bazaar area na matatagpuan sa likod ng kapitolyo para sa mga bilihing pagkain.

10. Ang mga alagang hayop ay kinakailangang nakatali at may diaper.

11. Para sa Magandang panonod ng “video mapping”, hinihikayat ang bawat isa na maaaring pumuwesto sa Block 2 at 3.

12. May mga bantay sa bawat area sa loob ng parke upang mabantayan at mapanatili ang ganda ng mga dekorasyon. Kaya ang sinuman na hindi sumunod sa mga alituntunin o patakaran ay papakiusapang lumabas ng parke.

13. Ang pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay maaaring magdesisyon ipasara ang parke sa mga bibisita kung kinakailangan para sa kaligtasan ng lahat. Mangyari mag-follow sa Facebok Page ng Provincial Government of Quezon at Tourism Quezon Province para sa mga impormasyong tulad nito.


Quezon Tourism

Earthquake Information No.1 – 22 November 2024 – 10:25 AM

Earthquake Information No.1 – 22 November 2024 – 10:25 AM

Magnitude = 3.8

Depth = 010 km

Location = 14.89°N, 122.70°E – 045 km N 62° E of Jomalig (Quezon)


Quezon PIO

2024 Paskong Quezonian – Lights on – 6pm November 22, 2024

2024 Paskong Quezonian – Lights on – 6pm November 22, 2024

QUEZONIANS! Sabay-sabay nating damhin ang diwa ng Kapaskuhan!🎄✨

Sa darating na Biyernes (November 22), tunghayan ang opisyal na pagpapailaw at pagbubukas ng PASKONG QUEZONIAN 2024 sa Perez Park, Lucena City.

Kaya’t ayain na ang inyong pamilya at mga kaibigan sa makulay na selebrasyon na ito, dahil ngayong pasko’y magkakasama tayo. Isang Pamilya, Isang Probinsya.


Quezon PIO

CONGRATULATIONS Quezon Province! “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program”

CONGRATULATIONS Quezon Province! “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program”

CONGRATULATIONS!🎊

Sa ginanap na “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program,” kabilang sa nabigyan ng mga parangal ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A at Association of Region IV-A Treasurers and Assessors Inc. (ARIVATAS) ang PROVINCIAL TREASURER’S OFFICE at PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE.

Nagpapatunay lamang ito sa maayos at epektibong pamamahala sa pagbibigay ng nararapat na serbisyo para sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

World Children’s Day | November 20, 2024

World Children’s Day | November 20, 2024

“Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” – Dr. Jose Rizal.

Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga susunod na henerasyon, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng World Children’s Day ngayong Nobyembre 20.

Sama- sama nating ipakita ang ating malasakit at pagpapahalaga sa mga batang Quezonian!


Quezon PIO

Capacity Development Training for QPESO Personnel – November 23, 2024

Capacity Development Training for QPESO Personnel – November 23, 2024

ANUNSYO

Ang tanggapan ng Quezon Provincial Public Employment Sevice Office ay magsasagawa/magkakaroon ng Capacity Development Training for QPESO Personnel (2024 Year-End Performance Assessment and 2025 Strategic Planning) sa ika-22 hanggang ika-23 ng Nobyembre, 2024.

Bunsod nito, pansamantalang isasara ang tanggapan sa ika-22 ng Nobyembre, araw ng Biyernes. Muling magbubukas ang tanggapan ng QPPESO sa araw ng Lunes( ika-25 ng Nobyembre, 2024).


Quezon PESO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – November 23, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – November 23, 2024

LIBRENG GAMUTAN MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN!

Magkakaroon ng Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) ngayong darating na araw ng Sabado, ika-23 ng Nobyembre sa Lusacan Central Elementary School, Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon.

Wag nating palagpasin ang araw na ito upang magpatingin ng libre sa mga doctor na bitbit ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.


Quezon PIO