NEWS AND UPDATE

KADIWA ng Pangulo

KADIWA ng Pangulo

Halina sa KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo, ngayong ika-16 ng Abril sa Perez Park,Lucena City! Mula 7am hanggang 6pm, maaring makabili ng mura at sariwang gulay at prutas, mga food and non-food products na gawang-Quezonian, at mga lutong pagkain.
Ito ay pangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan bilang pakikiisa sa paghahangad ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mailapit ang mga lokal at abot-kayang produkto ng ating mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer.
Upang masulit ang pamimili ninyo, narito ang ilang paalala:
1. Ang mga gulay at perishables ay hanggang 12 ng tanghali lamang.
2. Mas mainam na magdala ng sariling ecobag ang mga mamimili.
Narito naman ang dapat tandaang mga petsa para sa muling pagsasagawa ng nasabing programa sa lalawigan ng Quezon:
• June 14, 2024 (Friday)
• July 16, 2024 (Tuesday
• August 15, 2024 (Thursday)
• September 13, 2024 (Thursday)
• October 15, 2024 (Tuesday)
• November 15, 2024 (Friday)
• December 13, 2024 (Friday)
Maraming salamat po!
Source: Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan

Mga kalalawigan, sa darating na MAY 10 ay magkakaroon ng libreng serbisyong gamutan sa bayan ng SAN ANDRES, at sa MAY 11 naman ay sa bayan ng MULANAY.
Ito na ang inyong pagkakataon na makapagpatingin sa doktor at espesyalista upang alamin ang kalagayan ng inyong kalusugan.
Ilan sa mga serbisyong hatid ng Medical Team ay libreng Medical Check-up, Derma Check-Up, ENT Check-up, Eye Check-up, Orthopedic Check-up, Minor Surgery, Ultra Sound, X-Ray, ECG, FBS/RBS, Urinalysis, CBC, Tuli, HIV Counseling and Testing, PCV 23 & HPV Vaccination, Dental Extraction, OB-Gyne Check-up, Surgical Screening, at Cervical Cancer Screening.
Source: Quezon PIO

Quezon Sports Camp 2024 – Sampaloc, Quezon

Quezon Sports Camp 2024 – Sampaloc, Quezon

Isa ka ba sa mga kabataang Quezonian na manlalaro ng anumang larangan sa isports?
Nagsimula noong May 3, 2024 ang QUEZON SPORTS CAMP 2024 na tumagal ng 3 araw sa bayan ng Sampaloc, Quezon. Layon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pamagitan ng Provincial Sports Office na pinamumunuan ni Coach Aris Mercene na makapagbigay dagdag kaalaman at upang muling mabalikan ang mga dapat tandaan sa paglalaro ng iyong piniling larangan ng isports.
Pwedeng-pwede makilahok ang mga kabataang may edad 9 hanggang 18, babae man o lalaki, basta’t may nag-aalab na puso at nais mas mapalawak ang kanilang kagalingan.
Narito ang mga laro na pwedeng lahukan.
Basketball
Taekwondo
Boxing
Chess
Badminton
Swimming
Athletics
Table Tennis
Tandaan lamang ang mga sumusunod na lugar at petsa kung saan gaganapin ang nasabing sports camp:
* April 22-29 (Polillo Group of Islands)????
* May 3-5 (Sampaloc, Quezon)????
* May 10-12 (San Antonio, Quezon)
* May 17-19 (San Francisco, Quezon)
* May 24-26 (San Andres, Quezon)
* June 7-9 (Plaridel, Quezon)
* June 10-14 (Mauban, Quezon)
* June 15 & 16 (Plaridel, Quezon)
Kita-kits!
Source: Quezon Sports Office

HEAT INDEX FORECAST | May 06-07, 2024

HEAT INDEX FORECAST | May 06-07, 2024

GAANO BA KAINIT ANG PANAHON?
Ang init ng panahon na nararamdaman ng katawan ng tao (apparent temperature) ay hindi akmang nasusukat gamit lamang ang temperatura ng hangin (air temperature). Ito ay mas tamang naitataya kung isasama ang datos ng alinsangan o halumigmig (relative humidity.) Ang impormasyon na ito at tinatawag na HEAT INDEX at ito ay matutukoy gamit ang Heat Index Chart.
MGA DAPAT NA GAWIN SA MAINIT NA PANAHON:
Manatili sa loob ng bahay at iwasan ang pagbabad sa init ng araw
Uminom ng sapat na dami ng tubig at iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soda, at alak
Gumamit ng payong at sombrero bilang proteksyon sa init
Magsuot ng presko at light colored na mga damit
https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO

Araw ng Manggagawa | May 01, 2024

Araw ng Manggagawa | May 01, 2024

Pagpupugay sa sipag at dedikasyon ng mga mangagagawa upang maitaguyod ang pangangailangan sa buhay! Ang inyong pagsusumikap ay malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bayan.
Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, isang maligayang araw ng manggagawa!
Source: Quezon PIO

Goldilocks P50 Off Promo!

Goldilocks P50 Off Promo!

EYES HERE!
Share and spread out the P50 off PROMO of GOLDILOCKS on selected greeting and premium cakes at any branches within QUEZON PROVINCE.
Exclusive on May 1-31, 2024 ONLY! (Except May 11-12).
Promo Mechanics
1. P50 discount to all Quezon Province residents on every purchase of Greeting Cake 8×12 and Premium Cake 8rd upon presentation of valid resident ID on May 1-31, 2024 (except May 11-12)
2. Promo is not valid in conjunction with any promotion or discount.
3. Valid on All Goldilocks stores in Quezon Province
4. May 1-31, 2024 (except May 11-12)
5. In the purchase of goods and services, which are on promotional discount, the senior citizen and person with disability can avail the promotion discount, or the discount provided under expanded Senior Citizen Act of Magna Carta for Persons with disability, whichever is higher.
per DTI Fair trade No.R4A – QXN 064, series of 2024
Source: Quezon PIO

Memorandum Circular No. DHT – 24

Memorandum Circular No. DHT – 24

BASAHIN: Pinaalalahanan ang lahat ng Quezon Provincial Hospital Networks, Chiefs of Hospitals, Medical Officers, Nurses, Pharmacists, at iba pang Medical Professionals sa ilalim ng Provincial Government ng Quezon na sumunod sa Circular No. 2024-0141 na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ito’y bilang pagtugon sa mga kamaikailang ulat kaugnay sa pharmaceutical companies na gumagamit ng multi-level marketing scheme upang hikayatin ang mga medical professionals na mag-advertise at magreseta ng mga medical products.
Source: Quezon PIO

HEAT INDEX FORECAST

HEAT INDEX FORECAST

https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO

HEAT INDEX FORECAST

HEAT INDEX FORECAST

https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO

SANG DAANG ARAW Tungo sa 100 Taong Kagalingan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center

SANG DAANG ARAW Tungo sa 100 Taong Kagalingan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center

Nais naming ipabatid sa ating mga kalalawigan, na ngayong araw ay sisimulan na natin ang pagbibilang ng ISANG DAANG ARAW Tungo sa 100 Taong Kagalingan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC).
Source: Quezon PIO