Tropical Cyclone Update – Severe Tropical Storm “NIKA” | November 10, 2024
Sa pagpasok ng Severe Tropical Storm “Nika” sa bansa, nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting sa pamamagitan ng Zoom Teleconference ngayong umaga ng Nobyembre 10. Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office na pinamumunuan ni Dr. Melchor P. Avenilla, Jr.
Naunang nagbigay ng ulat ukol sa kasalukuyang datos ng Bagyong Nika ang kinatawan mula sa DOST PAGASA at batay sa huling ulat ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa silangang bahagi ng lalawigan ng Quezon kabilang ang Polillo Group of Islands.
Nagpaalala si Governor Tan sa mga nagsidalo sa na maging proactive sa pagdedesisyon lalo na sa mga bayang nakataas ang TCWS upang agarang makapaglabas ng anunsyo para sa kanselasyon ng klase upang mailayo sa panganib ang mga mag-aaral sa kani-kanilang nasasakupan.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga miyembro ng PDRRMC (Provincial Disaster Risk Reduction Management Council) kabilang ang QPPO, DILG, Coast Guard, DPWH, MDRRMOs, mga punong bayan sa lalawigan, at mga puno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na nagbigay naman ng ulat ng kanilang paghahanda para sa bagyo.
Panatilihin ang pagsubaybay sa aming page para sa karagdagang ulat at anunsyo. Mag-ingat po ang lahat.
Quezon PIO