MGA PAALALA NGAYONG UNDAS
Ngayong Undas 2024, tingnan ang ilang mga safety reminders sa pag-alis ng bahay at pagtungo sa mga sementeryo.
Sa pag-alis ng bahay:
1. Planuhing maigi ang pagdalaw sa sementeryo.
2. Ikandado ang pinto at bintana.
3. Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, naka-plug na appliances, bukas na gas stove at gripo.
4. Iligpit ang anumanng mahahalagang bagay sa labas ng bahay.
5. Itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang iyong bahay.
6. Iwasang mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao.
Sa loob ng sementeryo:
1. Magdala ng panangga sa init at ulan.
2. Tiyakin na ang kandilang nakasindi ay hindi maglilikha ng sunog o sakuna.
3. Magdala ng sapat na pagkain o tubig inumin.
4. Tiyakin na ang mga bata ay mag pagkakakilanlan.
5. Bawal ang pagdadala ng mga deadly o bladed weapons, gamit pansugal, speakers, alak at paninda.
6. Alamin ang lugar ng First Aid station at PNP Assistance Hub.
Quezonians, manatiling ligtas ngayong Undas!
Quezon PIO