Benchmarking Activity on Quezon’s Best Practices – with Brgy. Baesa, Quezon City | August 01, 2024

Benchmarking Activity on Quezon’s Best Practices – with Brgy. Baesa, Quezon City | August 01, 2024

Magiliw na pinaunlakan ng Pamahalaang Lalawigan sa pangunguna ng Provincial Gender and Development Office (PGAD) ngayong araw ng Martes, Agosto 1 ang mga opisyales ng Brgy. Baesa, District VI, Quezon City para sa isang Benchmarking and Learning Visit on Quezon’s Best GAD Practices.

Ibinida ni acting PGAD Officer Ma’am Sonia S. Leyson ang mga programa ng PGAD na naging bahagi ng mga natanggap na parangal ng tanggapan gaya ng pagiging Local Learning Hub ng lalawigan. Gayundin, hinikayat naman niya ang mga ito na puntahan ang mga naggagandahang lugar sa lalawigan.

Malaking pasasalamat naman ni Ms. Gemma Juan, Kapitan ng Brgy. Baesa sa malugod na pagtanggap at sa pagbabahagi ng Pamahalaang Lalawigan ng Quezon para sa mga kaaalaman ukol sa magagandang programa na maaaring ilunsad sa kanilang Barangay.

Binigyan din ng PGAD ang Brgy. Baesa ng Information and Education Campaign (IEC) Materials na magsisilbing gabay nila kaugnay sa mga usapin sa Gender And Development (GAD) at Ending Violence Against Women and Children (VAWC).


Quezon PIO