Barangay Tanod Assembly | June 09, 2024

Barangay Tanod Assembly | June 09, 2024

Masayang pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang Barangay Tanod Convention sa Bayan ng Atimonan nitong araw ng Linggo, Hunyo 9.

Kasamang nakibahagi sa maikling programa sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Bokal Sonny Ubana, Bokal Derick Magbuhos, Bokal Harold Butardo, PCL President Bokal Ola Eduarte, Mayor Rustico Joven Mendoza at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga.

Nagbigay paalala ang Gobernadora sa mahigit 400 na Barangay Tanod na naghahatid ng serbisyo sa 42 barangay ng nasabing bayan na dapat palaging inilalagay sa puso’t isipan ang kahalagahan ng kanilang ginagawa sa komunidad. Dagdag pa niya na kapag may kailangan at nahihirapan, huwag mahihiyang lumapit upang matugunan ang kanilang pangangailangan sapagkat aniya ayaw niyang masasakitin ang mga katuwang sa Barangay. Sa huli, ibinilin ng Gobernadora na patuloy na magkaisa para sa kaayusan sa Brgy. upang makamit ang pangarap na matahimik na lalawigan ng Quezon.

Samantala, nagbigay naman ng dagdag kaalaman ang Provincial Disaster Risk and Management Office sa pangunguna ni Mr. Omar Gajo at Atty. Rey Baligod mula naman sa Provincial Legal Office.

Namahagi rin ng mga bagong uniporme, heavy duty flashlights at food packs mula sa DSWD gayundin ng handog na raffle draw na nakadagdag ngiti sa bawat isang Brgy. Tanod ng Bayan ng Atimonan.

Source: Quezon PIO