ASF Zoning Status of Quezon Province as of October 29, 2024

Isang magandang balita para sa mga Candelariahin at Pagbilawin!
Ayon sa opisyal na ulat ng Department of Agriculture, idineklara na ang mga bayan ng Pagbilao at Candelaria bilang PINK ZONEs na muli. Nangangahulugan ito na ang mga lugar ay itinuturing ng nasa buffer zone at opisyal ng ASF – Free.
Ngayong Oktubre ay 2 munisipyo (Atimonan at San Andres) na lamang ang nagtala ng kaso ng ASF pero ang mga nagpositive na baboy naman ay agad-agad ding nadepopulate na.
Ipinapaalala pa rin ang patuloy na pagpapatupad ng mga biosecurity measures upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ating mga babuyan. Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga alituntunin upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga alagang baboy.
Pagtulungan natin ang isang ligtas na industriya ng paghahayupan!
Quezon PIO