Animal Stranding Assistance Calauag, Quezon | November 13, 2022

Animal Stranding Assistance Calauag, Quezon | November 13, 2022

Isang Fraser’s Dolphin na may habang 7 feet ang nakita ng isang residente na stranded sa may dalampasigan sa may port ng Barangay Poblacion 3, Calauag, Quezon, mga alas-kwatro ng hapon noong ika-12 ng Nobyembre 2022. Ito ay namataang buhay pa ng mga panahong iyon ngunit mahina na rin. Pagkatapos ng ilang minuto, mga 4:30 ng hapon ay binawian na rin ng buhay ang naturang hayop.

Kinabukasan din, ay nagtungo sa Calauag sina Dr. Milcah I. Valente at Dr. Camille Calaycay ng Animal Health and Welfare Division ng Office of the Provincial Veterinarian Quezon upang magsagawa ng necropsy sa naturang hayop. Nagsagawa ang mga beterinaryo ng pisikal na pagsusuri sa dolphin at kumuha ng mga organ samples sa hayop para maipadala sa isang laboratoryo sa IESM-UP Diliman upang malaman ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ang mga marine mammal species ay iniangkop para mamuhay sa ating karagatan, ngunit maaaring mapadpad ang mga ito sa baybayin dahil sa mga kondisyon sa kapaligiran at nagkaroon ng sakit o pagkamatay ng mga ito mismo sa dagat. Kadalasan, ang mga stranded na hayop ay matatagpuan sa beach o sa mababaw na tubig.

PAALALA:Kung makakita ka ng stranded na hayop sa dagat, huwag mo itong lalapitan. At gawin ang iyong makakaya upang maiwasan ang pag-istorbo dito ng ibang tao at mga alagang hayop upang hindi makadagdag stress sa hayop. Agad makipag-ugnayan sa inyong lokal na stranding network – sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa iba pang tanggapan gaya ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA), Office of the Provincial Veterinarian (OPV), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) o Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).