PDRRMO Call to Order | August 30, 2024

PDRRMO Call to Order | August 30, 2024

Sa gitna ng muling pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Quezon, nagpulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ngayong araw, Agosto 30 para matugunan ang problemang ito.

Matapos ang naging updates tungkol sa sitwasyon ng ASF sa probinsya kung saan 12 bayan ang naapektuhan, inimungkahi ni Provincial Veterinarian Dr. Flomella A. Caguicla ang pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa epekto nito sa populasyon ng mga baboy at sa presyo nito sa merkado.

Samantala, pinag-usapan din ang pagkalat ng army worms sa probinsya kung saan 18 munisipalidad ang naapektuhan. Inirekomenda rin ni Mr. John Arrish Ocampo mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang pagdeklara ng State of Calamity para naman sa nasabing problema sa agrikultura na nakakaapekto sa suplay at presyo ng palay, mais, at gulay.


Quezon PIO