Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD) | June 25, 2024

Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD) | June 25, 2024

Sa layunin na mapabilis at mapabuti ang implementasyon ng programang Pagpapalakas ng Institusyon at Pagbibigay Kapangyarihan sa mga Lokalidad laban sa mga Sakuna at Pagbabago ng Klima o mas kilala bilang SHIELD (Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change), nagkaroon ng Synergy Workshop ngayong araw ng Martes, Hunyo 25 sa MI Sevilla Resort sa Brgy. Domoit, Lucena City sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Dinaluhan ito ng iba’t-ibang tanggapan sa lalawigan na katuwang sa pagsisiguro ng kaligtasan ng bawat mamamayang Quezonian.

Ilan sa tinalakay ay ang resulta ng SHIELD capacity assessment, presentasyon ng potensiyal na bankable proposals, pagsasaayos ng Provincial Work Plan at mga istratehiya at pamamaraan sa pagpapabilis ng Provincial Game Plan.

Patuloy ang pagbabalangkas ng tanggapan ng PDRRM kasama ang mga katuwang sa serbisyo ng mga hakbang na aangkop sa pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa pag-iwas at pagpapagaan ng epekto ng mga panganib at sakuna na maaaring tumama sa Lalawigan.

Source: Quezon PIO