Scubasurero 2024 | March 16, 2024

Isa sa mga adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang balanseng kaunlarang pangkalahatan at ang kaayusan ng kalikasan sa lalawigan. Bilang tugon sa hangaring ito nakiisa ang mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa ginanap na SCUBAsurero 2024 ngayong Sabado, March 16 sa Brgy. Talao-Talao, Lucena City.
Pinangunahan ng Philippine Coast Guard Southern Quezon Station ang aktibidad na nagsisilbing isang praktikal na solusyon para sa kumakalat na polusyon sa dagat katuwang ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, PG-ENRO at iba pang mga ahensya.
Ang SCUBAsurero ay isang underwater clean-up activity na isinasagawa na rin sa ibang lokal na pamahalaan bilang solusyon sa marine pollution gamit ang scuba diving gear para sa mas epektibong pagkalap ng mga basurang naiipon sa ilalim ng dagat.
Lumagda naman sa isang Pledge of Commitment ang pamunuan ng mga katuwang na ahensya bilang suporta sa aktibidad upang mapapataas ang kamalayaan ng bawat Quezonian sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at kagandahan ng ating karagatan para sa mga susunod na henerasyon.
Source: Quezon PIO