Media Summit 2023 | December 12, 2023

Media Summit 2023 | December 12, 2023

Ngayong araw ng Martes, Disyembre 12 isinagawa ang Media Summit 2023 sa pangunguna ng PhilHealth na may temang “Pagbibigay Kaalaman, Pasasalamat, at Pagkilala” na ginanap sa St. Jude Coop Hotel and Event Center, Tayabas City.

Layon ng nasabing summit na mabigyang kilala ang mga mamamahayag sa lalawigan na parating katuwang ng PhilHealth sa paghahatid ng mga impormasyon para sa publiko.

Dinaluhan naman ito ni Provincial Information Officer Jun Lubid bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan kung saan ay ipinaabot ang mensahe ng pagsuporta sa nasabing ahensya gayundin sa bawat mamamahayag upang maihatid ang mga programang lubos na mapapakinabangan ng bawat mamamayan sa Quezon, gaya na lamang ng Konsulta Package at ang implementasyon ng Universal Health Care Act kung saan ay ang gobernadora ang principal author noong siya’y kongresista pa.

Asahan na patuloy na makikipagbalikatan Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing ahensya gayundin sa bawat mamamahayag ng lalawigan upang patuloy ring maisaayos ang sektor ng kalusugan para sa bawat mamamayan ng Quezon.

Source: Quezon PIO