PROVINCIAL GENDER AND DEVELOPMENT

Mission

To provide gender responsive programs, projects, and services that would equitably address the needs and concerns of women and men.

Vision

Women and men of Quezon Province equally contributing to and benefitting from development for a better quality of life.

Organization’s Brief Description

The Provincial Gender and Development (PGAD) Office, an innovation of the Provincial Government of Quezon as a pioneer in promoting gender equality and empowerment, started with the creation of PGAD Council in the year 2000, it led to the formation of the PGAD Council’s implementing arm, the precursor of the PGAD Office. With the enactment of the Provincial GAD Code through Provincial Ordinance No. 2005-02, PGAD Council’s implementing arm was officially created as the PGAD office in the year 2005.

Since then, the Provincial Government of Quezon, thru the programs, projects and activities spearheaded by the PGAD Office, has been a recipient of various awards, recognitions and citations, such as Best GAD Implementer, Most Gender-Responsive LGU, Local Learning Hub, Exemplary Service of an LGU to retuning OFWs, Women Economic Empowerment Responsive Partner for the Great Women Project, Extra Mile Award and other citations from the Philippine Commission on Women, Canadian Government, Regional Gender and Development Council, NEDA and other concerned agencies.

PGAD Office is primarily tasked, among others, to facilitate the institutionalization of GAD mainstreaming activities, identify GAD strategies, programs, activities and projects in accordance with the priority programs of the Honorable Governor ANGELINA “DOKTORA HELEN” D.L. TAN. We also ensure the timely submission of the GAD Plan and Budget, Accomplishment Report and other GAD related reports to the DILG, PCW, COA and DBM. The GAD Plan and Budget is designed to address gender issues and concerns by utilizing at least 5% of the total budget allocation of the LGUs as mandated by Section 36 of Republic Act 9710 (Magna Carta of Women).

Accordingly, the Provincial Gender and Development Office shall:

  • Formulate or develop the Annual GAD Plan and Budget of the Provincial Government subject to the approval of DILG Regional office.
  • Prepare the Annual GAD Accomplishment Report of the Provincial Government subject to the review and evaluation of the Commission on Audit
  • Monitor and evaluate the implementation of different programs, projects, and activities in accordance with the approved GAD Plan and Budget.
  • Evaluate and validate local gender mainstreaming programs at the city/ municipal/ barangay level through the Provincial GAD Monitoring & Evaluation (PGAD M&E) Team and the Inter-Agency Monitoring Team (IMT).
  • Facilitate the constitution and meetings of the Provincial GAD Focal Point System – Technical Working Group (PGFPS-TWG) as required by Republic Act 9710, Provincial Committee Against Trafficking in person, child pornography and VAWC (PCAT-CP-VAWC).
  • Direct, coordinate, and ensure the implementation of policies and regulations pertaining to Gender and Development including, but not limited to SP resolutions, executive order, memorandums, and provincial ordinances.
  • Formulate policy recommendations based on the needs assessment and evaluated programs, projects, and activities.
  • Create and maintain strategic and efficient directory of services for the guidance of varied clientele.
  • Develop, produce, and disseminate communication support materials for varied clientele through the following:
    • Development of strategies and programs to support gender mainstreaming objectives at the local level.
    • Develop and undertake orientation, capacity building, and knowledge management services related to gender and development for the benefit of stakeholders and the general public.
  • Develop and maintain information on GAD database management system, which includes data sourcing, compilation, and processing of analyzed and generated reports from concerned NGAs, LGUs and other stakeholders.
  • Information, Education and Communication



    REGULAR SERVICES:

    On request of component LGU’s, National Gov’t Agencies, Cooperatives, NGO’s, Educational Institutions and other sectoral organizations, the office regularly conducts:
    1. GAD Planning and Budgeting workshops;
    2. Gender Sensitivity Trainings;
    3. Orientation on GAD Legal Mandates as well as on duly issued IRRs of NGA’s;
    4. Benchmarking Services (Best GAD Practices to LGUs, NGAs and NGOs);
    5. Livelihood Trainings;
    6. Mental Health Seminars and others.

    VENUE:

    1. Training/Seminars: Zoom and Face to Face depends upon the requesting agencies.
    2. Benchmarking: Provincial Capitol Compound

    TIME:

    1. By Schedule

    PROVINCIAL MEN’S DAY CELEBRATION (December 1, 2023)

    FLAG RAISING CEREMONY HOSTED BY PROVINCIAL GENDER AND DEVELOPMENT (PGAD) OFFICE (November 20, 2023)

    Sa pangunguna ng Provincial Gender and Development Office (PGAD), isinagawang regular napagtataas ng watawat ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 20.

    Ibinahagi ni Acting PGAD Head Sonia Leyson na isapatuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang adbokasiya laban sa pagmamaltrato at pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata, kung kaya’t hangad nila na makiisa ang bawat kawani sa paggunit ng 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12. Magkakaroon naman ng Men Opposed To Violence Everywhere (MOVE) summit, at inaanyayahan ang mga kalalakihan na dumalo sa isasagawang programa sa darating na Disyembre 1.

    Siniguro naman ni Vice Govenor Anacleto “Third” Alcala na parating kaisa ang Sangguniang Panlalawigan sa pagsusulong ng mahahalagang resolusyon na makatutulong sa pagpapalaganap ng mga programa para sa mga kababaihan at mga bata.

    Samantala, masayang ibinalita ng PGAD na nakatangap ng Certificate of Recognition at ginawaran ng 3 times Outstanding GAD Implementer LGU Category Province (2015-2021 Search for Outstanding GAD Implementer) ang lalawigan ng Quezon sa ginanap na 11th Gender and Development Convention noong Nobyembre 15 sa Calamba, Laguna.

    BENCHMARKING ACTIVITY/LEARNING SESSION Of THE PROVINCIAL GOVERNEMNT OF PALAWAN (October 5, 2023)

    Bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna nina SP Board Member Ma. Angela V. Sabando, SP Board Member Marivic H. Roxas at PGAD Head Officer Richard Winston J. Socrates. Kasama rin ang iba pang mga kawani ng iba’t-ibang tanggapan ng nasabing lugar ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 5.

    Ang pagkortesiya ng Pamahalaan ng Palawan sa Gobernadora ay bahagi ng gagawing benchmarking na may kaugnayan sa Gender and Development Program. Layon ng mga kawani ng naturang lalawigan na makabuo ng mas komprehensibong ideya na makatutulong upang higit na mapalago ang mga programa ng kanilang tanggapan sa ilalim ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office.

    Naibahagi din ng Gobernadora ang mga programa ng lalawigan ng Quezon na nagbibigay tuon sa iba’t-ibang sector sa Probinsiya. Isa itong patunay naunti-unting nakikilala ang lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng magagandang programa ng ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan.

    BENCHMARKING ACTIVITY/LEARNING SESSION OF AURORA PROVINCE (September 26, 2023)

    Maligay ang tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan sina Mayor Joe Gorospe ng Dilasag, Aurora at ang mga kawani mula sa iba’ti-bang tanggapan ng na sabing pamahalaang bayan ngayong araw, Setyembre 26.

    Ang pagkortesiya ng LGU Dilasag, Aurora sa gobernadora ay bahagi ng gaganaping aktibidad na layong makatulong sa nasabing bayan upang maibahagiang patungkol sa mga programang may kaugnay sa Gender and Development na ipinapatupad sa lalawigan ng Quezon. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Gorospe sapagkakataon na maging Learning Hub ukol sa GAD ang lalawigan ng Quezon, at hangad na patuloy na maging katuwang upang maisakatuparan ang mga mabisang programa para sa kanilang bayan.

    CONSULTATION MEETING FOR GAD CODE OF QUEZON, QUEZON (August 18, 2023)

    Bilang pagtugon sa kahilingan ng Sangguniang Bayan at MSWD Office ng Bayan ng Quezon, Quezon para magsagawa ng konsultasyon patungkol sa pagbabago at lalong pagpapahusay ng Gender and Development (GAD) Code ng kanilang bayan, nagkaroon ng talakayan sa Panlalawigang Tanggapan ng Kagalingang Pangkasarian at Pagpapaunlad (PGAD office).

    Ito ay ginanap noong ika-18 ng Agosto 2023 sa nasabing tanggapan at dinaluhan nina Konsehal Maribel A. Lamadrid, Tagapangulo, Komite ng kababaihan at pamilya at miyembro nito na si Konsehal Briene L. Flores kasama rin ang kawani ng MSWDO.

    BENCHMARKING ACTIVITY/LEARNING VISIT OF NAUJAN, ORIENTAL MINDORO IN QUEZON’S BEST GAD PRATICES (August 3, 2023)

    Ang Lalawigan ng Quezon sa pamumuno ng ating mahal na gobernador Doktora Helen Tan ay 1 sa 12 na kinilala ng Philippine Commission on Women na Local Learning Hub sabuong Pilipinas at nag iisa sa Calabarzon Region. Tayo ay nagsisilbing model for Gender and Development ng mga LGU’s at national agencies. Dahildito, humilingang Bayan ng Naujan, Oriental Mindoro na makapagdaos ng Benchmarking Activity sa ating Lalawigan upang matuto at maisagawa nila ang mga best GAD practices sa kanilang munisipalidad.

    Nagbigay ng presentation at talakayan ang mga kawani ng PGAD, IPHO, 4K at PACSEDU sa mga bumisita ng mga Municipal Government Department Heads at miyembro ng MGAD Focal Point System noong ika- 3 ng Agosto 2023. Matapos ito ay sinamahan din ng PGAD Office ang delegasyon sa Tayabas City Gender and Development Office upang ipagpatuloy ang kanilang learning visit at matuto sa GAD PPAs implementation sa city/municipal setting.

    ENCHMARKING ACTIVITY OF BRGY. PALTOK, QUEZON CITY (June 9, 2023 )

    Ginanap ngayong Biyernes, Hunyo 9 ang Benchmarking Activity/Learning Session kasama ang mga kinatawan mula sa Brgy. Paltok, District I, Quezon City para sa Best Practices ng lalawigan ng Quezon sa larangan ng Gender and Development.

    Pinangunahan ni Mr. Sedfrey Potestades, Provincial Government Assistant Department Head ng PGAD Office ang aktibidad na magpapatibay para sa kapakanan ng bawat Quezonian. Samantala ibinahagi rin ni Ms. Glenda Alpuerto ng Provincial Assistance for Community Services and Empowerment Development Unit (PACSEDU) ang mga programa para sa mga kababaihan ng lalawigan ng Quezon.

    BENCHMARKING ACTIVITY/LEARNING SESSION OF BRGY. NOVALICHES AND BRGY. SIKATUNA PROPER IN QUEZON’S BEST GAD PRACTICES (MAY 18, 2023)

    Kilala ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa buong bansa bilang isang modelo ng maayos at mabisang tagapagpatupad ng mga programa at proyekto para sa Gender and Development.

    Nitong ika-17 ng Mayo ay bumisita ang pamunuan ng Brgy. Novaliches Proper, District V at Brgy. Sikatuna Village ng Quezon City para sa isang Benchmarking/Learning Visit upang pag-aralan at obserbahan ang GAD Best Practices ng pamahalaang panlalawigan.

    Naging makabuluhan ang nasabing benchmarking activity kung saan ay masusing ibinahagi nina Dr. Lorelie G. Salonga, MD, FPOGS, MHA Provincial Health Officer I, Ms. Glenda E. Alpuerto, 4K Focal Person, PGO-PACSEDU at Mr. Sanny D. Cortez, Program Officer, PGO-PACSEDU ang mabisang implementasyon ng kani-kanilang mga programa at proyekto para sa gender and development.

    RE-CERTIFICATION OF GAD LOCAL LEARNING HUB (LLH) CY 2023-2026 (May 8, 2023)

    Bilang pagpapakita ng husay at galing patungkol sa Gender and Development, kinilala ang lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan ng Philippine Commission on Women (PCW) bilang GAD Local Learning Hub (GADLLH) sa buong Pilipinas sa pangatlong pagkakataon ngayon araw, Mayo 8.

    Personal na binati ni PCW Deputy Executive Director of Operations, Kristine Josefina G. Balmes ang mga kawani ng PGAD sa pamamagitan ni Ms. Sonia Leyson at probinsya ng Quezon sa pagsisiguro na ang mga programa ay tumutugon sa mga napapanahong usapin ano man ang kasarian ng indibidwal.

    Nagsisilbing model ang ating lalawigan dahil sa kontribusyon na ipinapakita nito pagdating sa mga programa ng Gender and Development. Nakiisa rin ang Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice Gov. Third Alcala upang saksihan ang Ceremonial Awarding and Signing of partnership agreement.

    FLAG RAISING CEREMONY HOSTED BY PROVINCIAL GENDER AND DEVELOPMENT (PGAD) OFFICE (May 8, 2023)

    DISCUSSION OF THE FORMULATION OF IRR OR MUNICIPAL GAD CODE OF CANDELARIA, QUEZON (May 4, 2023)

    Initial Validation of Functionality of PCAT-VAWC (April 8, 2024)

    Regional Womens Month Celebration (March 31, 2023)

    The Quezon Provincial GAD Focal Point System (PGADFPS) participated in the 2023 Regional Women’s Month Celebration in the Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna.

    The activity is organized by the Regional Development Council and hosted by the Province of Laguna and Laguna State Polytechnic University. It was attended by CALABARZON provinces, regional line agencies and state universities.

    GAD Webinar Series Via Zoom Application (March 23-24, 2023)

    Kaalinsabay ng 2023 National Women’s Month Celebration, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwangang Provincial Gender and Development (PGAD) Office ay matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na GAD Webinar Series mula March 23 hanggang 24 sapamamagitan ng Zoom application.

    Nilahukan ng mga kababaihan at iba’t ibang ahensya, opisina at LGU ng lalawigan ng Quezon ang nasabing seminar, kasama ang mga kawani mula Provincial Agriculturist at Provincial Legal Office upang magkaroon ng talakayan na lubos na makatutulong sa bawat kababaihan sa probinsya

    TIANGGE NI JUANA (March 20-26, 2023)

    Tiangge ni Juana muling umarangkada!

    Kaakibat ng selebrasyon ng Women’s Month ay nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng ating Gobernador Angelina ‘Doktora Helen” D.L. Tan ng “Tiangge ni Juana”. Ito ay sa inisiyatibo ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office, Provincial GAD Focal Point System (PGFPS), 4K at Quezon’s Pioneer Pride (QPP LGBTQ).

    Layon ng aktibidad na matulungan ang mga organisasyon ng kababaihan at mga kababaihang entrepreneur na maipakita ang kanilang malikhaing mga produkto at magkaroon ng karagdagang merkado para sa kanilang mga negosyo upang lalo pa nilang mapalago ang kanilang hanapbuhay.

    Iba’t ibang produktong gawa ng kababaihang Quezonian ang maaring tangkilikin gaya ng sariwang gulay (lettuce, pipino, bokchoy, spinach, spring onions) handmade keychains, cakes, crab salad roll, atchara, smoked tilapia at mga gawang produkto ng kababaihan ng 4K.

    Ang Tiangge ni Juana ay bukas mula Marso 20 hanggang 26, 2023 sa Quezon Capitol Compound sa harapan ng Provincial Human Resource Office at Provincial Governor’s Office.

    Quezon Provincial Police Office Flag Cerenomy (March 6, 2023)

    Quezon Police Provincial Office participate in the celebration of the 2023 National Women’s Month themed “We, for Gender Equality and Inclusive Society” coincided with the Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremony held at QPPO Covered Court, Camp Guillermo Nakar, Lucena City. Ms. Cynthia M. Profeta, Community Affairs Officer IV is the Guest of Honor and Speaker representing Ms Sonia Leyson. She also awards the Medalya ng Papuri to those personnel who demonstrate exemplary and noteworthy performances.

    PADYAK AT ZUMBA (December 04, 2022)

    Tila isa sa mga laganap na problema sa lipunan ang pisikal, sekswal, o mental na pang-aabuso sa mga kababaihan, upang mawakasan ito ay marami nang estratehiya at pamamaraan ang isinasagawa sa ating bansa, isa narito ang 18-day campaign to end VAW o Violence Against Women na idinaraos mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

    Bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kampanyang ito ay pinangunahan ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office ang programang “Padyak at Zumba para Kay Juana Laban sa Karahasan sa Kababaihan” ngayong araw ng Linggo, ika-4 ng Disyembre.

    Nilahukan ito ng 500 Quezonian mula sa iba’t-ibang bayan at organisasyon (150 sa Zumba at 400 saPadyak), kung saan ibinahagi ni Maam Sonia S. Leyson na ang ginanap na mga aktibidad ay naglalayong matulungan ang mga biktima ng VAW sa Women’s Crisis Center, ilang Cancer patients ng lalawigan, at mga nasalanta ng mga nakaraang bagyo.

    Sa pamamagitan ng nasabing programa ay hinahangad na magkaroon ng mas malawak na kamalayan ang bawat isa na mabigyang proteksyon ang karapatang pantao ng mga kababaihan, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

    FOCUSED GROUP DISCUSSION (November 29, 2022)

    Kinikilala ang kababaihan bilang katuwang ng ating komunidad kung saan ay dapat mayroong pantay na pagtingin sa kanilang kakayanan, kaya naman kaugnay sa 18-day campaign upang wakasan ang VAWC o “Violence Against Women and Children”, nagsagawa ng “Basic Gender Sensitivity Training” ang Provincial Gender and Development Office para sa mga miyembro ng Kababaihan Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan o mas kilala bilang 4K ngayon araw ng martes ika-29 ng Nobyembre.

    Layunin ng pagsasanay na ito na palawakinang kamalayan ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan at bigyang linaw ang kanilang kaibahan sa mga kalalakihan.

    4TH QUARTER MEETING P/C/MCAT-CP-VAWC cum ORIENTATION ON UNDERSTANDING PSYCHE SURROUNDING VAWC (November 25, 2022)

    Matagumpay ang Kick-off Activity ng National 18-Day Campaign to End VAWC ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office kaugnay ng pagdaraos ng 4th Quarter P/C/MCAT-CP-VAWC Meeting cum Orientation on Understanding Psyche Surrounding VAWC at Execom Meeting ng M.O.V.E Quezon Chapter. Ito ay ginanap noong ika-25 ng Nobyembre 2022 sa St. Jude Multi-Purpose Cooperative and Event Center, Tayabas City. Naging tagapagsalita si G. Jojemar V. Dayunot, Registered Psychometrician.

    Tinalakay niya ang koneksyon ng sikolohiya at VAWC at dito ay kanyang binigyang diin ang papel ng sikolohiya upang maintindihan ang psychological pattern ng VAWC perpetrators at victims, at gayun din sa pagsugpo ng mga ganitong klaseng karahasan laban sa kababaihan at kabataan saating pamayanan.