Meeting with Department Heads & QPHN Chief of Hospitals | October 17, 2023

Meeting with Department Heads & QPHN Chief of Hospitals | October 17, 2023

Ngayong araw ng Martes, Oktubre 17 isinagawa ang pagpupulong ng mga Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang Chief of Hospitals ng bawat Quezon Provincial Hospital Network.

Sa paglalayon na mas maging organisado ang sistema sa usaping budget ng Pamahalaang Panlalawigan, pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing pagpupulong upang mapag-usapan ang Proposed Annual Budget para sa taong 2024.

Binigyang linaw din ang mga pagbabago sa ilang mga programa at proseso ng alokasyon ng budget para sa bawat tanggapan.

Isa sa nabigyang diin ay ang pagiging sentralisado ng ilang mga pondo sa ilalim ng Integrated Provincial Health Office at General Services Office.

Source: Quezon PIO