Philippine Multisectoral Nutrition Project – Launching and Commitment Signing | August 04, 2023

Philippine Multisectoral Nutrition Project – Launching and Commitment Signing | August 04, 2023

Dumalo si Governor Doktora Helen Tan sa isinagawang paglulunsad at paglagda para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) na ginanap sa Novote Hotel Cubao, Quezon City ngayong araw ng Biyernes, Agosto 4.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, layon nitong masugpo ang problemang malnutrisyon at stunting o pagkabansot ng mga batang Quezonian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pang-nutrisyon sa mga local government units (LGUs).

Nakasama naman sa idinaos na programa ang mga municipal mayors ng Quezon upang suportahan at lumagda sa kasunduan ang proyektong makatutulong na maiangat ang kalagayan ng nutrisyon sa kanilang nasasakupang bayan.

Source: Quezon PIO