Consultation Meeting Between PAGASA, PCG, LCEs, LDRRMOs & Other Stakeholders | July 18, 2023

Consultation Meeting Between PAGASA, PCG, LCEs, LDRRMOs & Other Stakeholders | July 18, 2023

Ginanap ngayong araw ng Martes, Hulyo 17 ang Consultative Meeting sa pagitan ng PAGASA, Philippine Coast Guard, Local Chief Executives, Local Disaster Risk Reduction Management Officers at mga stakeholders sa Queen Margaratte Hotel, Lucena City.

Nagbahagi ng mga impormasyon, mga pag-aaral at epektibong pamamaraan ang apat na tagapag salita sa aktibidad na ito upang mas maintindihan ng mga kinatawan at mga nagsipagdalo ang mga dapat at hindi dapat gawin tuwing may hindi inaasahang kalamidad.

Tinalakay rin ang panganib na dulot ng hydro-meteorological hazards tulad ng mga bagyo, lindol at iba pang hindi inaasahang panahon. Gayundin ay tinalakay ang kahalagahan ng Tropical Cyclone Warning System (TWCS) o pagbibigay ng babala sa parating na sakuna via text sa loob ng hindi bababa ng 36 hours, Gale warning o pagbibigay ng alerto pangkaragatan, at ang pagpapabuti ng mga gabay at alituntunin sa paggalaw ng mga sasakyang pandagat pagdating ng mabigat na panahon sa lalawigan.

Sa huli ay nagkaroon ng konsultasyon para sa mas maayos na pagresponde sa mga lugar na posibleng tamaan ng kalamidad. Pinaalalahanan naman ang lahat na magkaroon ng tama at sapat na kaalaman para sa siguradong kaligtasan ng bawat isa.

Source: Quezon PIO