CSE Review Class for Provincial Government Employees | June 30, 2023

CSE Review Class for Provincial Government Employees | June 30, 2023

Sa unang pagkakataon, nagsagawa ngayong Biyernes, Hunyo 30 ng libreng pagsasanay para sa mga kawaning magsusulit para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) na gaganapin sa Agosto 20, 2023.

Pinangunahan ito ng Human Resource Management Office sa pamumuno ni Mr. Rowell Napeñas katuwang ang ilang kawaning nauna nang nakapasa sa Civil Service Exam. Layunin ng aktibidad na mas mahasa pa ang kaalaman ng mga kawani upang masiguro ang pagpasa sa nasabing pagsusulit.

Nagbigay din ng mensahe ang Provincial Administrator Manuel Butardo at ipinaabot ang pagnanais ni Governor Doktora Helen Tan na gawing propesyunal at mas produktibo ang bawat empleyado na magdudulot ng mas mataas na antas ng pagseserbisyo sa mamamayan.

Humigit kumulang 150 na kawani ang dumalo sa unang araw ng pagsasanay. Magkakaroon ng anim na sessions ang review na gaganapin tuwing hapon (1:00-5:00pm) ng Biyernes mula Hunyo 30 hanggang Agosto 4.

Source: Quezon PIO