Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan – Infanta, Quezon | June 23, 2023

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan – Infanta, Quezon | June 23, 2023

Para sa tuloy-tuloy na pagtugon sa bawat problemang pangkalusugan ng ating mga kalalawigan, walang humpay na inihahatid ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang libreng serbisyong gamutan.

Ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 23 sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan ay isinagawa sa bayan ng Infanta ang medical mission upang mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan nito na alamin ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Sa tulong ng mga doktor na mula pa sa iba’t-ibang ospital sa Maynila at Quezon ay natingnan ang mga iniindang sakit ng bawat residente sa nasabing bayan, tulad na lamang ng may mga sakit sa bato, baga, at puso.

Kasama namang nag-abot ng serbisyong medikal sina Vice Gov. Third Alcala, Board Member Jerry Talaga, Board Members Julius Luces, at Vice Mayor L.A. Ruanto.

Source: Quezon PIO