Bulihan Festival 2023 | April 24, 2023

Ipinagdiwang ang ika-150 Pistang Parangal kay San Vincente Ferrer sa bayan ng Sampaloc. Kasabay nito ay sama-samang nagsaya ang mga Sampalucin sa ginanap na Grand Parade bilang bahagi ng Bulihan Festival.
Nakiisa rito si Governor Doktora Helen Tan, bilang suporta sa kanilang maliwanag na kapistahan. Sa kanyang mensahe ipinahayag niya ang pagkagalak sa pakikiisa ng mga mamamayan ng Sampaloc na siyang nagbigay kulay at tagumpay upang maisakatuparan ito.
Kasabay ng parada sa bayan ay nagkaroon din ng Sombrero Contest. Maiilaw at matitingkad na mga sombrero na gawa sa mga produktong buli na masinsinang pinagsumikapang gawin ng mga mamamayan dito. Nagsimula ang Bulihan Festival noong Abril 20 at magtatapos sa Abril 26.
Pangako naman na paglilingkod ng siksik at liglig galing sa tulong ng panginoon ang ihahatid ng pamahalaang panlalawigan.
Source: Quezon PIO