Market Support and Extension Division (MSED) ng OPV | February 13, 2023

Market Support and Extension Division (MSED) ng OPV | February 13, 2023

Market Support and Extension Division (MSED) ng OPV, naging hurado sa Cooking Contest sa Pitogo. Nitong Pebrero 13, ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ay inanyayahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) Pitogo sa pangunguna ng kanilang Local Government Unit (LGU) upang maging mga hurado sa ginanap na cooking contest bilang bahagi ng kanilang Agricultural Fair at Barangay Week Celebration. Malugod naman itong pinaunlakan nina Gng. Maria Cecilia Casiño at Gng. Jhody-ner Mendania ng Marketing Support Extension Services. Matapos nito ay nakipagpulong din sila sa lokal na pamahalaan at Municipal Agriculturist ng nasabing bayan upang balangkasin ang ilang serbisyong patuloy na ibinibigay ng tanggapan, gayundin ang mga programang may kaugnayan sa INSPIRE Project ng Department of Agriculture. Bukod dito ay binigyang pansin din nila ang kasalukuyang status ng meat processing graduates at isinagawa ang profiling ng mga organizations/associations sa bayan ng Pitogo.