Orientation and Workshop on Electronic Tartget Client List of Quezon Province | April 2, 2025

Sa patuloy na pagtahak sa makababagong teknolohiya, ang Quezon Provincial Health Office, kasama ang 39 na munisipyo at 2 lungsod ay dumalo sa isang mahalagang Orientation at Workshop tungkol sa Electronic Target Client List (TCL), na isinagawa noong Marso 26-28, 2025, sa Ramada Hotel, Binondo, Manila.
Pinangunahan ng mga eksperto ng Department of Health Center for Health and Development -4A (DOH CHD-4A), kung saan nagkaroon ng mga hands-on na aktibidad at mga lektura na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga pinakabagong trends at teknik sa larangan ng Electronic TCL.
Isang pagkakataon ito para sa lahat ng mga kalahok na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan na magagamit sa National Immunization Program para sa paghahanda sa makabagong sistema ng pagre-record at pag-uulat patungkol sa pagbabakuna.
#QuezonProvince
Quezon PIO / IPHO