24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST 29 September 2024

Mas lumakas bilang Severe Tropical Storm ang Bagyong Julian. Posible pa itong mas lumakas sa mga susunod na araw.

– LOKASYON: Silangan ng Aparri, Cagayan

– LAKAS: 95kph

– PAGBUGSO: Hanggang 115kph

– PAGGALAW: Patungong Kanluran Hilagang Kanluran

Bagamat hindi ito inaasahang lalapit sa kalupaan ng lalawigan, asahan parin epekto bg buntot nito na posibleng magdulot ng mga kalat-kalat na minsang malalakas na mga pag-ulan.

Bagamat walang Typhoon Signal at Gale Warning sa ating lalawigan, pinag-iingat pa rin ang lahat sa banta ng malakas na hangin lalo na sa karagatan at mataas na mga Lugar.

Patuloy na sumubaybay sa posibleng mga pagbabago ng panahon.

Maging Alisto, at Handa ang Lahat!


Quezon PIO