66th Regular SP Session – Via Zoom Teleconference | October 16, 2023

Sa isa na namang makasaysayang linggo ng paglilingkod sa Lalawigan ng Quezon, ginanap ang ika-66 na pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Oktubre 16.
Aprubado sa ginanap na virtual session ang mga ordinansa, resolusyon, atas tagapagpaganap at mga liham mula sa Pamahalaang Panlalawigan na magbibigay kaayusan at kapakinabangan para sa bawat mamamayan.
Isa na rito ang para sa sektor ng pangisdaan kung saan aprubado ang kautusang bayan ng Catanauan na magtatakda ng mga pagbabago at pagdaragdag sa mga pambayang kautusan na siyang makakatulong sa mga mangingisda doon.
Sa usaping pang kapaligiran, aprubado ang liham na nagbibigay pahintulot kay Governor Doktora Helen Tan na pumasok at makalagda sa isang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at Department of Environment and Natural Resources Office (DENR) Region IV-A Calabarzon, Department of Public Works and Highways Quezon patungkol sa pagbuo ng Lagnas River Watershed Management Council at Macalelon River Watershed Management Council.
Hiling lamang sa pulong na magbigay ng sapat na representasyon at bigyan ang sanggunian ng kaukulang balita sa mga magiging kaganapan sa pagbuo ng mga konsehong ito.
Sa huling bahagi ng sesyon, binigyang pugay ni Vice Governor Third Alcala ang mga secretariat ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pagiging masikap ng mga ito na hindi magkaroon ng mga nakabinbing mga gawain.
Source: Quezon PIO