Bb. Sariaya, Tinanghal na Kauna-unahang Bb. Niyogyugan 2015


 

2015-08-13

 

 

Nakamit ni Carolin Resurreccion ng Bayan ng Sariaya ang korona ng kauna-unahang Bb. Niyogyugan Festival 2015 sa isinagawang coronation night nito noong August 12, 2015 sa Quezon Convention Center sa lungsod ng Lucena.

 

Mula sa dalawampu’t isang (21) dilag na kumatawan sa kani-kanilang mga bayan ay nangibabaw ang kagandahan ng kinatawan ng bayan ng Sariaya.

 

Bukod sa korona ng pagiging kauna-unahang Bb. Niyogyugan ay nakamit din ni Carolin ang Best in Talent, Miss Biogenic Alcohol at Miss Lynderm.

 

Kinilala naman na 1st runner-up si Erika Mari Japor ng lungsod ng Lucena na nagwagi din sa Best in Festival Wear at Miss Kutis Silka; 2nd runner-up si Lanie Locus ng bayan ng Tiaong na tinanghal ding Miss Juicy Girl; 3rd runner-up si Kristel Edrad Labay ng bayan ng Buenavista na kinilala ding Miss Photogenic at 4th runner-up si Mildred Louise Bagona ng bayan ng Polilio.

 

Ang iba pang kandidata na binigyan ng special award ay sina Honey Mae Corpuz ng bayan ng Padre Burgos bilang Miss Netizens by Globe na may pinakamaraming likes sa facebook, Yhlaine Eunice Felicia ng bayan ng Unisan bilang Miss Congeniality at April Joyce Pradel ng bayan ng Mauban bilang Miss Swimwear.

 

Ang mga nagwagi ay tumanggap ng cash prize na P30,000.00 para sa kampeon, P20,000.00 para sa 1st runner-up, P15,000.00 para sa 2nd runner-up, P10,000.00 para sa 3rd runner-up at P5,000.00 para sa 4th runner-up. Bukod sa naturang halaga, ang lahat ng kalahok na kandidata ay tumanggap ng P5,000.00 bawat isa.

 

Samantala, pinasaya ng GMA Artist na si Alden Richards ng sikat na sikat na tambalan ngayon na AlDub ng programang Eat Bulaga ang lahat ng manonood na hinarana ang mga kandidata na suot ang mga gown na ginawa mula sa puno ng niyog at iba’t ibang indigenous materials na kanilang festival wear.

 

Sa naging tagumpay ng Bb. Niyogyugan Festival ngayong taon na pinamahalaan nina Jenny Suarez-Lopez at Ramil Estrope ay sinisiguro ng Executive Committee sa pamumuno ni Congresswoman Aleta Suarez at Governor David “Jay-Jay” Suarez na taun-taon nang magiging bahagi ito ng Niyogyugan Festival at magiging mas magarbo, makulay at masaya. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK