Provincial Assessor’s Office, Nanguna sa Flag Raising Ceremony


 

2017-11-13

 

 

Pinangunahan ng Provincial Assessor’s Office ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes. Ibinahagi ng kanilang department head na si Atty. Melojean Puache ang ilan sa mga regular na aktibidad na isinasagawa ng tanggapan. Kasabay nito,  iniulat rin ni Atty. Puache ang pagtaas ng assessed value na itinuturing na pinakamalaking naisakatupran ng kanilang opisina.

 

Sa mensahe naman ni Provincial Administrator Romulo Edaño, Jr. ay ibinahagi niya ang nakatakdang gift giving ngayong darating na Disyembre para sa mga cancer patients kasabay ng regular blood donation program ng pamahalaang panlalawigan.

 

Samantala, ibinahagi rin ni Edaño ang katatapos pa lamang na United Nations Food and Security Conference sa Bangkok, Thailand kung saan inimbitahan ang ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez upang talakayin ang ilan sa mga nutrition programs ng lalawigan kaalinsabay ng programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K.

 

Ayon kay Edaño, ang mga ganitong uri ng imbitasyon na natatanggap ng lalawigan ay isang indikasyon ng buong pwersang dedikasyon ng bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan. Ito ay upang maisulong ang mga programang mas makapagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga Quezonian sa pamamagitan ng mga programa sa agrikultura, edukasyon at kalusugan sa ilalim ng pamamahala ni Gob. David C. Suarez, alinsunod sa kanyang next 3 best 3 years ng panunungkulan. (Quezon – PIO)

 
 
BACK