QUEZON, MULING NAMAYAGPAG SA REGIONAL GAWAD SAKA


 

2017-11-07

 

 

a ilalim ng mahusay na pamamahala ni Governor David C. Suarez sa larangan ng agrikultura,  humakot ng parangal ang Lalawigan ng Quezon sa isinagawang Regional Gawad Saka Awarding Ceremony sa Batangas Convention Center noong October 27, 2017.

 

Pinangalanan ng Kagawaran ng Pagsasaka Region 4A si Gov. Suarez bilang Outstanding Governor, habang kinilala naman bilang Hall of Fame Awardees sina Provincial Agriculturist Roberto Gajo at Provincial Gawad Saka Focal Person Cristina Lucila.

 

Bukod sa kanila, umani rin ng parangal ang ilan pa nating mga kababayan na nagpamalas ng galing sa pagsasaka at paghahayupan. Sila ay sina Florencio A. Perez (Outstanding Rice Farmer) mula sa bayan ng Tiaong, Jerson G. Cabriga (Outstanding Young Farmer) mula sa lunsod ng Tayabas, Angelito D. Mendoza (Outstanding High Value Crops Farmer) mula sa bayan ng Sariaya, Nilo P. Barrameda (Outstanding Fisherfolk – Fish Capture) mula sa bayan ng Calauag, Rossana Sinapilo (Outstanding Organic Farmer) mula sa bayan ng Candelaria, Ninieveh Fortun-Glinoga (Outstanding Small Animal Raiser) mula sa bayan ng Pitogo, at ang Pinagdanlayan Rural Improvement Club ng Dolores na kinilala bilang Outstanding RIC.

 

Sa taong ito, ang lalawigan ng Quezon ang nagtamo ng pinakamaraming bilang ng parangal sa rehiyon.  Nakuha nito ang walo sa sampung pinarangalan. Kasama ng mga nabanggit na tumanggap ng mga parangal si 1st District Board Member Gerry Talaga na nagpaabot ng kanyang suporta.(Quezon-PIO)

 

---------------------------------------------------------

Caption:

Naghari ang Lalawigan ng Quezon sa katatapos lamang na Regional Gawad Saka Awards nitong ika-27 ng Oktubre matapos makamit ang walo sa sampung kategorya ng nasabing pagpaparangal. Nasa larawan ang mga nanalong mga magsasaka at mangingisda, kasama na rin sina Provincial Agriculturist Roberto Gajo, Provincial Gawad Saka Focal Person Cristina Lucila, Provincial Veterinarian Dr. Flomelia Caguicla, at 1st District Board Member Gerry Talaga. (Quezon-PIO)

 
 
BACK