Serbisyong Suarez sa Paghahayupan, Patuloy na Pinagtitibay


 

2017-10-25

 

 

Upang masiguro ang malusog at ligtas na paghahayupan sa lalawigan, isinagawa kamakailan ng Provincial Veterinary Office o ProVet ang Foot and Mouth Disease Surveillance sa lungsod ng Lucena at Lucban. Kasabay nito ay isinagawa rin ng tanggapan ang Blood Collection and Oropharyngeal Swab Samples for Farm Accreditation sa Candelaria, Quezon.

 

Ang regular na pangongolekta ng dugo mula sa mga livestock ay isinasagawa ng ProVet dalawang beses sa isang taon upang masiguro ang pagkakaroon ng FMD Free status ng lalawigan.

 

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong masiguro ang kalusugan ng mga mga alagang hayop tulad ng kalabaw, kambing, baboy at iba pang livestock upang maiwasan ang mga nakahahawang sakit mula sa hayop na higit namang nakaapekto sa kalusugan ng mga tao.

 

Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ang ProVet ng libreng serbisyo para sa mga alagang aso o pusa tulad ng free anti-rabies vaccination, consultation, treatment at deworming tuwing Lunes mula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa harap ng Kapitolyo at sa kanilang tanggapan sa Brgy. Talipan, Pagbilao. Ito ay alinsunod sa hangarin ng lalawigan na maging “Rabies Free Province” at kalaunan ay maging “Rabies Free Country” sa taong 2020 sa patuloy na pangunguna ng Tanggapan ng Panlalwigang Beterinaryo at sa aktibong pakikiisa at patnubay ng  ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

 
 
BACK