Technical Orientation at Postharvest Technologies, idinetalye


 

2017-10-13

 

 

Sumailalim ang mga Agricultural Extension Worker (AEW) at HVCC farmers recipient sa isang Technical Orientation on Mechanization and Postharvest Technologies for High Value Crops (HVCC) kamakailan sa Ouans Farm and Resort.

Layunin nito na mapalawak ang karanasan sa tamang pamamahala ng mga pasilidad at makinaryang pansakahan. Gayundin ang pagproseso ng mga prutas at gulay makatapos ang pag-ani hanggang madala sa merkado.

Binigyang pansin ang mga Operator ng makina sa mga gampanin at tungkulin na dapat sundin para sa ikakaayos ng paggamit nito.

“Kailangan lang po natin pahalagahan at gamitin natin ng maayos ang mga pasilidad na ibinibigay ng National Government at ng ating Provincial Government”. Pahayag ni Ma. Leonelie G. Dimalaluan – Suport Facilities Division(SFD) Head, OPA sa kanyang mensahe. 


Ang Agricultural Engineering Center/SFD ng OPA ang siyang nangunguna sa pag validate ng mga beneficiaries ng mga Farm machineries at facilities na ipinagkakaloob ng Pamahalaang panlalawigan sa Quezon.

Kabilang sa mga ibinahagi ni Engr. Jocelyn A. Rioflorido – Agricultural Eng’g Unit Head/SFD, OPA ang mga paksa tungkol sa Basic Farm Machinery Operation, Maintenance and Trouble Shooting at Cacao Postharvest Processing System. (OPA Quezon /Quezon PIO)

 
 
BACK