Municipal Coordinators, Patuloy ang Pagsasanay para sa Q1K program


 

2017-10-04

 

 

Sumailalim kamakailan sa isang Training on Mobilizing Breastfeeding Support Group for Infant and Young Child Feeding Program ang higit 20 na bagong municipal coordinators ng programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K.

 

Ayon kay Nutritionist-Dietician, Emma Coronado, hangarin ng limang araw na pagsasanay na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga coordinators ukol sa wastong pangangalaga ng mga buntis simula sa kanilang pagpapasuso hanggang sa pagbibigay ng mga complimentary foods sa mga sanggol.

 

Kasalukuyang isinasagawa ang pakikipag-ugnayan ng mga coordinators sa iba’t-ibang munisipalidad upang makahanap ng mga potential beneficiaries ng programang Q1K na magbibigay tulong at suporta sa mga ina mula sa unang araw ng pagbubuntis hanggang sa maka-dalawang taong gulang ang sanggol.

 

Ang nasabing programa ay patuloy na tinututukan ng Q1K technical working group kaugnay sa malawakang implementasyon nito sa buong lalawigan sa gabay at suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

 
 
BACK