Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan, Nanguna sa Flag Raising Ceremony


 

2017-09-25

 

 

Pinangunahan ng Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes. Nakiisa sa programa ang mga bokal mula sa una hanggang ika-apat na distrito upang magbigay ulat at pagbati sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

 

Sa pamamagitan ni Chief of Staff, Carlo Villafranca ipinahatid ni Vice Governor Samuel Nantes ang kanyang taos-pusong pagbati sa bawat empleyado at ang kanyang mensahe sa mga ito. Aniya, aktibong makikibahagi ang bawat kawani ng sanggunian sa pamahalaang panlalawigan upang patuloy na magbigay serbisyo sa mga Quezonian.

 

Ibinahagi naman ni Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., ang isinagawang pagbisita ng gobernador sa lungsod ng Dipolog sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte upang ibahagi ang ilan sa mga best practices na isinasagawa ng lalawigan ng Quezon, tulad na lamang ng Serbisyong Suarez programang pangkalusugan sa pangunguna ng ama ng lalawigan, Gov. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

 
 
BACK