Ibat-Ibang Munisipalidad ng Lalawigan, Pinarangalan sa Pagtatapos ng Niyogyugan Festival 2017


 

2017-08-27

 

 

Matagumpay na nagtapos ngayong ika-27 ng Agosto ang dalawang linggong selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2017. Sa pangunguna ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez at suporta nina ALONA Partylist Representative Congw. Anna V. Suarez, Former Congw. Aleta Suarez at House Minority Floor Leader Danilo Suarez isa-isang binigyang-pagkilala ang mga nagwaging munisipalidad para sa iba’t-ibang kategorya ng mga patimpalak para sa nasabing selebrasyon.

 

Nagwagi sa street dance competition ang mga sumusunod: 3rd place Sariaya, 2nd place Pagbilao at 1st place ang bayan ng Tagkawayan. Para sa best float: 3rd place Atimonan, 2nd place Padre Burgos at 1st place ang bayan ng Infanta. Samantala para naman sa dance showdown, 4th place Atimonan, 3rd place Real, 2nd place Tagkawayan at 1st place naman ang bayan ng Dolores na nakatakdang maging kinatawan ng lalawigan sa gaganaping Aliwan Festival sa susunod na taon.

 

Para sa Category A ng booth competition, 6th place Tagkawayan, 5th place Real, 4th place Sariaya, 3rd place Gumaca, 2nd place General Nakar at 1st place ang bayan ng Infanta. Samantala, sa Category B naman ng booth competition, 6thplace Macalelon, 5th place San Narciso, 4th place Guinyangan, 3rd place Buenavista, 2nd place Quezon, Quezon at 1st place ang bayan ng Padre Burgos. Sa huli, itinanghal bilang overall champion ang bayan ng Infanta mula sa mga naglaban-labang munisipalidad ng lalawigan.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Gob. Suarez at ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga bayang nakilahok sa  pagdiriwang at sa lahat ng mga naging bahagi nito. Masaya ring ibinahagi ng gobernador na umabot sa 18 milyong piso ang overall sales ng Niyogyugan Festival sa kasalukuyan at inaasahan pa ang pagtaas nito sa mga susunod pang taon sa tulong pa rin ng aktibong partisipasyon ng bawat bayan  ng lalawigan ng Quezon. (Quezon-PIO)

 
 
 
BACK