Distribusyon ng Agricultural Inputs, matagumpay sa Real, General Nakar at Infanta


 

2017-07-01

 

 

Matagumpay ang pagbabahagi ng Agricultural Inputs sa iba’t-ibang samahang pang-agrikultura sa mga bayan ng Real, General Nakar at Infanta, Quezon kamakailan sa pakikiisa ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) at ng Alona Partylist kaakibat ang suporta mula kina Gob. David “Jayjay”C. Suarez at Congw. Anna Marie V. Suarez.

 

Sa layong mapalakas ang agricultural na kapasidad ng mga baying ito, ibinahagi sa Citrus Growers Association, Vegetable Growers Association, Cacao Growers Association at mga samahan ng mangingisda ng Real, General Nakar at Infanta ang ilang organic at foliar fertilizer, seedlings, gulay, lagkitan, Coron at ilang kagamitang magagamit nila sa pagbubukid at pangingisda.

 

“Simula pa lamang po ito ng mga programa natin para sa inyong lahat. After a month, babalik po ako dito at makikita natin kung ano po ang pwede nating maitulong sa inyo.”ani Congw. Suarez sa pagbibigay diin kung papaano mas palalawigin pa ang sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

 

Kabilang sa mga nakiisa ay ang mga Sangguniang Bayan, Municipal Agriculturist at ilang miyembro ng Alona Partylist na buong pusong nakiisa sa pagsasagawa ng distribusyon ng mga agricultural inputs.

 

Kasabay naman ng distribusyong ito ay ang ika -54 na taong pagkakatatag ng bayan ng Real. Si Congw. Suarez rin ang nagsilbing panauhing pnadangal sa selebrasyong ito at nagbahagi naman ng oras sa paglibot at pamimili sa mga booth.

 

‘”Hindi tayo titigil sa pagpapaunlad ng ating bayan (lalawigan). Kayo po ay lumapit lang sa’min ni governor at kahit po ako ay nabubulol sa Tagalog ay naiintindihan ko po kayo.” pagtatapos ni Congw. Suarez bago ibahagi ang mga agricultural inputs. (OPA Info Unit / Quezon PIO)

 
 
BACK