Visioning and Stakeholders Consultation Workshop Indicative Development Plan for Quezon Province


 

2017-06-09

 

 

Dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t-ibang sektor ng gobyerno sa pangunguna ng ama ng lalawigan, Gov. David C. Saurez ang isinagawang Visioning and Stakeholders Consultation Workshop Indicative Development Plan for Quezon Province na ginanap kamakailan sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

 

Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong bigyang pansin ang kaunlaran ng lalawigan sa pamamagitan development programs and services sa Quezon Province.

 

“Magsisimula ang lahat sa isang pangarap at isang vision.” ito ang pahayag ni Provincial Administrator Rommel Edaño Jr. ukol sa kanyang paniniwala at saloobin tungkol sa pag-unlad ng lalawigan. Naniniwala si Edaño na sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan bilang food basket at food security contributor nito sa buong rehiyon, ito ang magiging indikasyon sa positibong hakbang ng lalawigan tungo sa kaunlaran.

 

“This workshop will provide inputs of the direction of our development. This is an exciting time to be a Quezonian, because we can help make the province great. We can be so much better because we have so much more.” pahayag naman ni Gob. Suarez sa mga nagsidalo. Aniya, mahalagang mabigyang-pansin nang mas maaga ng lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan. Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga hangarin niya sa lalawigan para sa kanyang next 3 best 3 years na panunugkulan.

 

“The true essence of development has to be based on the individual. The better plan that we'll have will ensure of a good future for our province.”  ayon kay Gob. Suarez.  (Quezon - PIO)

 
 
BACK